Chapter 1
Third Person POV
“Ang kapal ng mukha niyong lahat! Magsama-sama kayo sa impyerno! Pare-pareho kayong manloloko!” malakas na sigaw ni Marianne sa tuktok ng Mount Botalon. “Uy frenny, tama na yan, malamang sa malamang sumakit na sikmura ng mga hinayupak na yan. Hayaan mo na sila, Diyos na ang paparusa sa kanila. Kaya tayo nandito ay para mag enjoy bago tayo bumalik sa mga work natin. Halika rito, tulungan mo na ko mag set up ng tent natin at ng makapag luto at makapag pahinga na rin tayo” wika ni Joy, ang best friend ni Marianne. Ngayong araw ng Sabado kasi ay namasyal ang magkaibigan sa bundok dahil matagal na nila itong pinlano dahil nakaraang buwan lang ay na heart broken na naman sa ikatlong pagkakataon si Marianne sa kanyang nobyo. At bilang way ng pag momove-on, naisipan nilang magkaibigan na mamundok upang makalasap ng sariwang hangin, at makapag relax. Nagtulungan ang magkaibigan sa pag-aayos ng tent. May kalakihan ang tent nila kaya medyo nahirapan silang i set-up ito lalo na at malakas ang hangin sa tuktok ng bundok. Matapos ayusin ang tent ay naghanda na ang magkaibigan sa pagluluto ng kanilang pagkain. Gamit ang maliit na lutuan ay nagluto ng noodles si Marianne, pagkatapos ay nagprito rin siya ng barbecue liempo habang si Joy naman ay naghihiwa ng mansanas na nilagyan ng cream bilang dessert. Certified bundokera ang dalawa kaya madali na sa kanila ang pag-akyat ng bundok. Marami na rin silang naipundar na mga gamit na ginagamit sa pag akyat. Kaya naman kahit malakas silang kumain ay sexy pa rin silang maituturing dahil sa ganitong hobby nila ay talaga naman nakakapayat ito. Hindi rin naman sila nangingitim gaya ng ibang kasamahan nila sa pag-akyat na talaga naming umitim na ang balat. Maalaga kasi silang dalawa sa kanilang katawan, naglalaan talaga sila ng budget para sa kanilang skin care. Akalain mong kutis artista ang dalawa kaya di makapaniwala ang mga kasamahan nila sa trabaho na mahilig pala sila umakyat ng bundok. Matapos magluto si Marianne ay sabay na silang kumaing magkaibigan. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan ang dalawa. “friend, okay ka na ba? Masasabi mo bang naka move on ka na kay Jonas?” tanong ni Joy. “Alam mo friend, sa maniwala ka o sa hindi, nag move on na ko. Nagtataka nga ako ang bilis ng pag move on, sa mga past relationships ko kasi matagal bago ako naka move on, lam mo naman yan diba? Siguro, manhid na ko friend. Manhid na yung damdamin ko dahil sa tatlong ugok na naka relasyon ko, puro bigo ang ending. Naisip ko na rin kung may mali ba sa kin? Lam mo yun, baka kasi selosa ako, di marunong mag alaga, topakin, iyakin, madrama, etc. Iniisip ko ang mga bagay na yun, pero pag binabalikan ko ang mga pinagsamahan ko sa kanila, wala naman akong maalala na naging ganoon ako. Ikaw pa nga ang pumupuri sa akin na dakilang girlfriend ako dahil halos kapantay ko na ang mga nanay nila sa pag-aaruga sa kanila, halos ibigay ko na sa kanila ang lahat ko, except sa puri ko hehe, lam mo yan girl di ko pa sinusuko ang bataan ko. Ayun, iniisip ko baka malas talaga ako sa pag-ibig. Nung nagbuhos siguro ng kamalasan sa pag-ibig eh nasapo ata ng nanay ko nung pinagbubuntis ako kaya eto ako ngayon, si Miss Heartbroken ang peg”mahabang paliwanag ni Marianne. “Naku girl! Atleast naka move on ka na! congrats! Hayaan mo, bata pa naman tayo, just go with the flow na lang tayo sa buhay. Huwag mo ng istressin ang sarili mo sa mga bagay na yan. Ako nga no boyfriend since birth ako hehe. Siguro dahil pangit ako hehe. Anyway, wala din naman akong paki kung walang nanliligaw sa kin, kung magkaka jowa pa baa ko or wala na. Ang iniisip ko kasi ngayon ay pagbutihin ang work ko, nang sa ganoon ay mapromote ako for higher position! Lam mo naman ako, team payaman ang dream ko! hahahaha!” sabi ni Joy. “Diyan naman ako bilib sayo gurl! Career kung career ka, idol nga kita pagdating sa work eh. Ang sipag mo talaga promise. Di na ko magtataka at magiging boss kita balang araw sa office hahaha!”ani Marianne. “Nambola ka naman eh! Siguro dahil pagod na ko maging mahirap. Lam mo naman ang dinanas nating hirap sa buhay lalo na ko nung nag-aaral pa tayo. Hindi sa ikinahihiya kong maging mahirap, proud pa nga ako dun eh dahil yun ang nagpursige sa kin na tapusin ang pag-aaral ko. Dahil sa kahirapan, di tayo spoiled brat, matapobre at maarte. Ayaw ko lang kasi na maranasan pa ni nanay ang hirap ng buhay. Tama na yung ilang taong naranasan namin yun. Ayoko rin na habang buhay kang mahirap. Yung kasabihan na mahirap mamatay ng may maraming utang. Ayoko ng ganoon. Ayoko rin na kung sakaling magka pamilya ako, ayokong maranasan ng mga anak ko ang hirap. Pero di ko rin naman sila iispoiled. Kumbaga, yung basic needs ng tao ay maibigay natin ng bongga sa kanila. Kasi kahit yang mga basic na yan, di rin natin naranasan ng maayos yan eh.” Malungkot na sabi ni Joy. “Ayos yang mindset mo Joy. Kaya nga heto oh, nakakapasyal pasyal na tayo ng bongga hehe. Naka ilang pasyal na tayo sa iba’t ibang probinsya. Nabibili na rin natin ang mga gutsto natin. Ibig sabihin lang nun ay unti unti mo ng matutupad ang mga pangarap mo Joy. Kaya kapit lang, laban lang, go go go!. Good vibes lang tayo lagi! Tandaan mo kanino tayo bumabangon?”
Sa mga luho natin haha!
“Sira ka talaga! Haha syempre sa pamilya natin cheers!” ani Marianne. Matapos ang masayang kuwentuhan ay napagpasyahan na ng magkaibigan na matulog sa loob ng tent dahil kailangan pa nila bumangon ng maaga para maaga din sila makababa ng bundok kinabukasan. Kinaumagahan, maagang nag impake ang dalawa at bumaba na ng bundok. Sa paanan ng bundok ay may falls, kaya naman naligo muna doon ang magkaibigan upang mapawi ang pagod sa pagbaba nila. Pagkatapos ay kumain sila sa isang kainan na nasa paanan ng bundok. At dahil matakaw sila, ay marami silang nakain gaya ng barbecue, nilagang baka, at minatamis na saging. Alas kwatro ng hapon ng makauwi na sila sa kanilang bayan. Nagpaalam na sa isa’isa ang magkaibigan upang makauwi na sa kani kanilang tirahan. Habang naglalakad sa kalsada pauwi ng bahay, napansin ni Marianne na may isang truck sa tapat ng kanilang bahay, batay sa kanyang obserbasyon ay mukhang bagong lipat ito. Mukhang ito na ngayon ang bagong may-ari ng unit. Nakatira kasi sila sa isang subdivision kung saan ang mga bahay ay dikit dikit o yung tinatawag na town house style. Nang pumasok na si Marianne sa bahay ay sinalubong siya ng kanyang ina sabay mano dito. “Kamusta pamamasyal niyo ni Joy?” ani Aling Miriam. “Okay naman nay, nag enjoy kami. Nakaka relax talaga mamundok. Nay, may bago na tayong kapitbahay?” wika ni Marianne. “Oo ate, meron. Balita ko nga foreigner ang lilipat diyan, tinanong ko kasi yung mga nagbubuhat ng gamit, pero sa susunod na araw pa titira yung foreigner.” ani Mark, bunsong kapatid ni Marianne. “Oh talaga? Magkakaroon na pala tayo ng kapitbahay na AFAM hehe”ani Marianne.
AFAM?
AFAM?
Biglang natuwa ang isipan ni Marianne sa salitang AFAM.