Hala sya... Anu mag lalakad talaga.
Hindi ahhh..
Wala namang tricycle ahh.
Oh saan nga tayo lulu?
Anu ba yan..
Nakakahiya naman sayo di man lang kita mapa kain kahit lugaw.. Hihihihi
Ang cute ng ngiti nya.. Hahaha kaloka.
OK lang yan.marcu Wag lang tayong mag pagpagabi. Kwentohan lang tayo ng mga bagay bagay.. Alam muna pang tanggal pagod.
Sakay na..
Ummm.. Wag na tayong lumayo sa fti na lang tayo. Marcu
Sege.. Ikaw Bahala lulu
Grabe.. Ma's marami pa akong daldal kaysa sa kanya.
Pero tingin sya ng tingin sa akin.
Nagagandahan ka ba? Hihihi.. Anung klaseng tao to. Napaka Pino! Mukhang ang tino.. Di makabasag pinggan ika ng mga junda, Hihihi
Para na po..
Dito na pala tayo.
Luma na tong lugar na to anu!
Medyo.. Mukhang Sikat nga ito dati.
Lage akong nag aply dito marcu di man lang matanggap tanggap kainis.
Marcu kamusta kana?
Kamusta kayo ni dotie?
Ahhh.
Ganun pa din.
Nag aply uli ako. Dubai naman.
Aalis ka uli? Ok na ba kayo ni dotie?
Ahhh.. Hindi pa.
Oh bakit aalis ka na naman,
Hayaan mo sya.. Pag nasa abroad ako at di ko sya nakikita, baka maging maayos kami.
Ha! Pano kayo maayos Marcu kung magkalayo kayo. Ngayon nga na magkasama kayo. Ganyan ngyayari. Anu pa pag malayo kana.
Di ko na makikita sila.
AT di na ako masasaktan ng ganito.
Pag nasa abroad ako, isipin ko na lang na ok kami.
Hoy!wag kang umiyak. Di kita inaano ha! Nakakahiya..
Sorry lulu ikaw kasi ehh.
Bakit ayaw muna mag Saudi?
Try ko muna sa Dubai lu. Iba na rin ang atmosphere sa Saudi. Alam din ng mga kasamahan ko ang Biglang pag uwi ko.
Aalis ka pa rin sa kabila ng ngyayari sa pamilya mo Marcu?
Tingin ko di na mababago yan lu, at napaghihinaan na ako ng loob.
Bakit hahayaan mo na lang kasi Marcu. Ipaglaban mo ang pamilya mo. Tanungin mo si dotie anu bang problema. Pag usapan nyo.
Nag usap na kami. Alam nya ang dahilan ng pag uwi ko. Kaso mo ayaw nya pa ring tigilan.
Binigyan ko na sya ng ultimatum. Kaya bahala na sya.
Ayoko naman sirain ang buhay ko sa kanila.
Anu sabi ng pamilya mo Marcu?
Galit sila syempre. Pero buhay namin to. Desisyon namin. At anu man ang kahihinatnan nito. Tahimik lang ang pamilya ko.
Kailan mo lang nalaman yan! My katibayan kana ba na sila nga!
Oo, nagtetext at tumatawag Yong gagong yon kahit alam nya na nasa bahay na si dotie. Kahit alam nya na andon din ako. Nakita ko pa nga yan pumunta pa sa amin. At nag usap sila sa likod. May puno kasi mangga malaki don.
Ummm.. Anu ginawa mo Marcu?
Tiningnan ko lang Sila.
Tawag ng tawag yon kahit hating gabi na.
Seguro nag seselos.
Ummm.. Kapal ng mukha nya para may pag selos pa. Asawa ako.. Kung sakali man. Gagawin ko kung anu gagawin ko. Asawa ako.. Pero ayaw nya talagang tigilan si dotie. Nag usap na kami.
AT ako pa ang nasaktan, nagmamahalan daw sila.
Kapal ng mukha ng Delan, na yon at talagang na kukuha nya pang humarap sayo. Will pareho tayo ng lugar ng pinagtratrabahoan.
Nag sumbong nga Yong ninang namin sa kuya ko. At si Raffy.
Kasama nila sa bahay namin na may kinalolokohan nga ang asawa ko.
Kaya na pauwi ako.
Bakit kasi abroad ka ng abroad.
Pwede na namang mabuhay dito.
Sabi kasi ni dotie mag ipon lang kami ng pambili ng taxi. Tapus titigil na ako.
Kaso ang ngyari Yong kapatid nya ang tinulungan nya. Yong plano namin nawala na.
Ummm.. Oh bakit hindi na lang ikaw ang mag ipon.
Suaubukan ko..
Hay naku Marcu. Kung ako Sayo wag ka ng umalis dito ka na lang.
Last na to.
Ahhh..
Ako simple lang Ng gusto ko sa buhay. Buo at may pangarap. Para sa kinabukasan.
Lalo na sa mga anak ko..
Wala masyadong tao ang sunshine mall na to anu? Tambayan lang talaga ng mga galing work.
Maiba tayo lu, may boyfriend ka..
Ha!
Oo naman!
Bakit parang wala naman akong nakita.
Bakit hinahanap mo ba?
Hahaha.. Hindi ahhh.
Actually, sila manager may gusto nito eh. Wala naman akong plano na sirain ang pamilya mo.
Gusto lang nila na tumingin ka sa iba. Hindi Yong asawa mo lang nakikita mo. Ilang beses ka ng niloloko.
Nasanay na ako.
Hala sya!
Di ko naman sya masisi wala naman ako.
Yon!
Tumpak! Wala ka..
Anhin mo nga naman Yong isang million na salitang I love you di naman maramdaman.
Tama ba yon na hanapin mo sa iba!
Depende.. Baka kasi nong nangulila sya. May dumamay sa kanya.
Sus.. Bakit ako di ko naman naisip sa Saudi yan.
Kasi nga mapupugutan ka ng ulo don.
Hindi no.. Pwede din don, maraming pilipina don.. Tsaka lumalabas din kami. Kaya lang ako.. Naglalaro lang ako ng Playstation.. Takot din ako.
Ummm..kaya ako.. Ayoko talaga mag abroad. Ayoko rin iwan ang mga anak ko.
Kasi ayoko na may mangyayari sa kanila na wala ako.
Ikaw ba!
Nasanay ka na ba talaga sa abroad Marcu?
Hindi naman sa nasanay. Parang ang hirap lang kasi magtrabaho dito. Maganda kung may sarili ka.
Maam sir...!
Magsasara na po kami.
Ha? Bakit anung oras na!?
8.30 na po!
Huh!?
Ang bilis na naman..
Sege kuya guard. Tnx..
Halika na Marcu.
Pasensya kana ha.
Bawi ako Sayo nexttime.
Nexttime...... "hahaha
Mukhang nawiwili ka ahh.
Di naman.. Gusto ko lang din ng kausap.
Ohhhh.. Sege.
Hala ang layo ng lalakarin natin.
Sa tenement pa tayoaghintay ng jeep.
Bakit pagod kana lulu?
Ummm.. Hindi naman..
Upo muna tayo dito sa ilalim ng puno Marcu. Ang ganda kasi ng buwan.
Kala ko uwi N tayo.. Maya konte.
Sorry Marcu ha.. Wag mong guluhin ang isip mo. Basta tandaan mo. Pwde kang mabuhay ng di ka nasasaktan.
Kung ayaw na ni dotie sayo. Di wag!
Kaysa mag mukha kang tanga. Alam na alam na sa pabrika ang ngyari sa inyo.
Wag mo ng kawawain ang sarili mo.
Kung gusto mo talaga na maayos nyo ang relasyon nyo. Umalis na kayo dito pareho. Lumayo na kayo. Don sa lugar na walang makakakilala sa inyo.
OK lang naman ako lulu.. Ginawa na nya sa akin yan
Kahit pa noong una ko syang makilala. Di ko nga yan girlfriend. Kaso pumunta kasi sya sa room ko at may ngyari sa amin. Kaya nag pa kasal kami sa huwes.madami na ring pangyayari na ganto..
Kahit nga Yong anak namin di ko rin seguradong akin yon. Kasi mahuli ko Sya na mag pipills tinatago nya sa onidoro.
Tapus wala namang ngyayari sa amin. Bakit sya umiinom ng ganun.
Pero syempre.. Napa mahal na sa akin Yong bata. Ayoko ko na rin guluhin pa. Asawa ko pa rin sya.
Ummm.. Nakakainis naman to. Seguro nga mahal nya talaga ang dotie Na yon.
Kaya kahit mag mukha syang tanga. At katawa tawa.hummmm!bahala ka nga.
Oy.. Nakikinig ka pa ba? Lulu..
Oo ahhh.. Ayoko ko ng magsalita baka umiyak ka. Halika na.. Uwi na tayo. Wag mo na akong ihatid. Sakyan na lang natin alabang para dadaan na lang sa amin. Baba ka na rin ng bicutan. Halika na naambon na..
Anu ka ba. Kainis ka naman. Kung kailan nag kukuwento na ako tsaka tayo uuwi.
Hay naku wag na! Ayoko ng marinig ang katangahan mo.mahal na mahal.. Haisssst.. Anu akala mo sya lang babae sa mundo. Kung paiiyakin mo lang din ako. Wag na oy!
Bakit ikaw!
Joke lang..
Di ako ganun noh!
Si dotie yon. Pinaiiyak ka. Tangengot ka naman. Kaya ginagawa nya lage lage sayo yan. Kasi iyak iyak ka pa.ewan ko sayo!