Unang Kabanata

1699 Words
Winter's Point of View "Panther! Panther! Panther!" "Go Sky! Go Sky! Go Sky!" Loud cheers of the guy's name echoed in the arena. Halos iyon na lamang ang naririnig ko kasabay ng mga impit na tili ng mga babae. Napairap ako. Kahit ang mga high class na babaeng assassins at gangsters ay hindi pa rin mapakalma ang mga sarili. Inunahan na yata ng landi sa katawan. Basta talaga gwapo, eh. Prente akong nakaupo rito sa sofa habang tanaw ang mga tao sa arena. Mayroon kasi ako ritong sariling lugar kung saan tanaw ko ang lahat ng pangyayari. I'm the queen, after all. "Nice! Upakan mo pa 'yang mayabang na 'yan, Sky!" Caelum cheered as if maririnig siya ni Panther. Tsk, i***t. I stared at the red haired guy who is eagerly cheering for his friend. Unfortunately, hindi lang ako ang nasa room na ito. Narito rin kasi ang mga unggoy na kasali sa top 10 which made them the council. "Gago, 'wag kang maingay baka magalit 'yung reyna natin!" Natatawang binato pa ni Frigus ng Titan gel si Caelum. Fucking gross. Titan gel, really? "Weak mo naman, Frigus. Nagti-titan gel ka pa? Sabagay, ang liit kasi ng ano mo eh. Pfft!" Pang-aasar pa ni Venetus kay Frigus. "Anong ako? Kay Nyx kaya yan!" Pagturo pa ng gunggong kay Nyx na isa ring pikunin. At doon na nagsimulang mag-away ang tatlo. Mga isip bata amputa. Hindi ko na iku-kwento kung paano sila nag-away. Bahala sila diyan malalaki na sila. Wala rin namang nag-abalang umawat. Bigla namang sumulpot sa kung saan si Jaden. Magulo ang kaniyang buhok at mas sumingkit ang mga mata. Humikab pa siya. Mukhang kagigising lang. "Nandito si Queen?" Pupungas pungas niyang tanong kay Vade na tahimik lamang na nanonood sa isang gilid habang may earphones sa tenga. Napataas ang kilay ni Vade. Hindi yata narinig ang tanong ni Jaden. Napanguso si Jaden at napakamot sa kaniyang kulay asul na buhok. "Asan kako si Queen?" Nakangusong pag-uulit pa ni Jaden. Bulag ba 'tong batang 'to? Kapag ba singkit, malabo ang mata? O dahil konti lang sakop ng nakikita nila? Vade shrugged at tamad na itinuro ang aking pwesto. Inilagay ulit ang kaniyang earphones sa kaniyang tenga at itinuon ang atensyon sa naglalaban. Nagawi ang tingin ni Jaden sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Nangningning ang kaniyang mga mata nang makita ako. Agad siyang napangiti at patakbong sinuong ang aming distansya. "Queen!" Sigaw niya pa. "I miss you! Huhu," paiyak niyang saad. Napangiti na lamang din ako at sinalubong ang kaniyang yakap. Jaden is the youngest in the top ten kaya naman baby brother ang turing namin sa kanya. "I miss you more," I answered and patted his head. Wala nga pala ngayon dito si Devyn dahil pinauwi ko na siya. Yes, titira kami sa isang bahay dahil bilang isang 'bodyguard' daw, tungkulin niya raw bantayan ako 24/7. Napapairap na lang ako tuwing naiisip ko. Duh, I'm the mafia queen, I don't need anyone. Baka siya pa ang kailangan mag-ingat sa 'kin, 'no. Tyaka, ano na lang iisipin ng mga gangsters dito kapag nalaman na ang reyna nila, may bodyguard pa. Ano ba naman kasing trip ni lolo? As if naman hindi niya alam na kaya kong protektahan ang sarili ko. "Ehem, nawa'y lahat niyayakap." Biglang sulpot ni Samuel. Etong mga lalaking 'to talaga, bigla bigla na lang sumusulpot. Pinaglihi yata sa mushroom. Nagsalubog ang aming paningin at nanlaki ang kaniyang mga mata. His brown eyes became uneasy at napaiwas ng tingin. "Gago, ang ganda talaga." Bulong niya pa pero rinig ko naman. Natawa na lamang ako. "Oh, crush mo na ko niyan?" Pang-aasar ko pa sa kanya na may kasamang ngisi. Agad naman siya binatukan ni Jaden, "Hindi pwede si Queen! 'Wag mo idadamay si Queen sa mga babae mo! Off limits siya!" Hinarangan pa niya 'ko with matching cross arms. "Oww! Haha! Talo na naman si Panther. f*****g weak a*s!" Sigaw ni Frigus na tapos na palang makipagsuntukan. Hindi ko rin namalayan na narito na pala si Panther na nakabusangot ang mukha. Literal na parang natalo siya sa lotto dahil two million ang pusta niya. Tinapik siya sa balikat ni Nyx na natatawa rin. "Okay lang 'yan bro. Ganyan talaga pag pangit." "Oo nga. Nangyayari talaga sa totoong buhay 'yon pero madalas lang sa'yo kasi mas gwapo ako." Sabi pa ni Caelum. Eto talagang mga lalaking 'to, kahit walang connect, makapagyabang lang okay na. Well, totoo namang gwapo sila pero–ugh. Agad akong napatingin kay Vade na tahimik lamang na pinagmamasdan sila Venetus na nag-aasaran dahil talo na naman si Panther. Napataas ang kaniyang kilay nang makita akong nakatingin sa kanya. "What's up?" He asked. "Hindi mo pupuntahan si Panther?" Tanong ko. Parang tanga kasi tamad na tamad tumayo eh. "Did he win?" Napailing ako. "Then there's no reason to go to him." Napairap ako. Ganyan tayo eh, tyaka lang lalapit kapag nanalo? Kapag talo, ayaw puntahan? Ano siya fake friend? Hmp. He chuckled a little bit. "I know what you're thinking. I'm just tired." Lokohin niya papa niya. Anong tired? E, kanina pa nga siya diyan nakaupo lang at relax na relax tapos tired? "Yes!" Sabay na sigaw ni Jaden at Venetus. "Oh, bakit kayo masaya eh talo si Panther?" Nagtataka kong tanong. Oo, hindi kami galing sa iisang g**g pero magkakaibigan na ang turing namin sa isa't isa. "Kaya nga kami masaya kasi talo si Panther eh," nakangiting wika ni Venetus. "Libre kita mamaya," kumindat pa ang loko. Aba, ang kuripot na si Venetus, ililibre ako? If this is a dream, don't wake me up. Charot. "Panalo ako ng isang milyon, Queen!" Pagmamalaki sa akin ng batang si Jaden. Napakunot ang aking noo. "Pumusta ka? Pero talo naman si Panther ah?" "Eh, hindi naman kami kay Panther pumusta. Sa kalaban niya! HAHAHAHA!" Natawa na lang din ako at napailing. Gago. Expected na ata nilang matatalo si Panther, amp. As usual, walo lang sila. Lagi kasing missing in action 'yung dalawang tukmol. Masyadong pabebe porket matataas rank. Akmang magsusuntakan na naman sila nang bigla akong tumayo. Kinuha ko ang jacket na nakapatong sa upuan at napansin kong kong umayos din sila ng tayo. Tinaasan ko na lamang sila ng kilay at marahang naglakad paalis ng kwartong iyon. I have no other businesses here. Actually, kanina pa talaga tapos ang kailangan ko rito pero nag-enjoy ako sa kadaldalan nila kaya napa-stay ako saglit. Hindi ko alam kung bakit sila tumigil sa pag-iingay kahit hindi ko naman sila pinigilan. I shrugged at nang nabuksan ko na ang pinto ay bigla silang pumila sa labas nito na parang mga kawal. Nahati pa sa dalawang hanay ang mga gago at sumaludo. Straight face at napakaseryoso ng mga itsura. Seryoso, parang mga tanga. "Rap sa kanan, rap!" Venetus, the pasimuno ng kagaguhan, commanded. Napairap ako nang sumunod din ang mga uto-uto. Even Vade—who is always tired joined their craziness. Napailing iling na lamang ako havang dumadaan sa harap nila. Pinanindigan nila ang pagiging sundalo dahil ni hindi man lang sila kumurap. Hindi ko na sila pinansin at agad na itinuon ang aking atensyon sa nakaparadang kotse ko. Naramdaman kong sinusundan nila ng tingin ang bawat galaw ko. Umikot ako sa driver's seat at kinindatan sila bago ako pumasok sa loob. Hindi ko na hinintay ang kanilang mga reaksyon at agad kong pinaharurot ang kotse ko paalis. Tinignan ko pa ang itsura nila sa side mirror at lalo lamang akong natawa. Para silang pinagbagsakan ng langit at lupa. Kababalik ko lang kasi galing New York kaya naman namiss nila ako. Oo, miss talaga nila 'ko at hindi ako nagfi-feeling lang ha. 'Yung mga unggoy kasi na 'yon, ina yata ang turing sa 'kin kaya mahal na mahal ako. Feeling ko nga minsan, baka mas malakas talaga sila sa 'kin pero ayaw lang nila 'ko labanan? Tyaka, sino na ang magiging queen kung lalabanan nila ako? Hmp. "Uy, andito ka na pala." Agad ako napapreno dahil sa pagkagulat. "Tangina naman, Devyn." Gigil kong saad. Napakamot siya ng ulo at pupungas-pungas pang tumitig sa akin. Mukhang kagigising lang ng gago. Natulog siya dito sa kotse ko? Ba't buhay pa siya kung gano'n? Napakunot ang noo niya at ngumuso sa akin. "Ang sakit naman ng mura mo, my queen. Bakit di mo na lang ako mahalin?" Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Gusto yatang hindi na sikatan ng araw. "Bakit ka ba naman kasi nandito sa loob ng kotse ko?! Gago, akala ko kung anong bigla-bigla na lang nagsasalita!" Sighal ko sa kanya. "Galit na galit?" Pang-aasar niya sa akin. Isang nakamamatay na tingin lang ang isinagot ko. "Charot lang eto naman. Hehe," kumamot pa siya ng ulo. May kuto ba siya? Bakit kamot nang kamot? "Bakit di ka pa umuwi?" Kalamado kong tanong. Pasalamat siya at good mood ako ngayon. "E, wala kasi ako masakyan." Pagnguso niya. "Hindi ko naman pwede gamitin 'yung kotse mo kasi wala kang masasakyan pauwi." "And why am I even your bodyguard if I will just leave you there?" Pagpapatuloy pa niya. Umiwas siya ng tingin. "Kung hindi ka pa nga lumabas doon within five minutes, papasukin na sana kita e. I don't care what's or who's there, I'll get you by hook or by crook." Agad akong napaiwas ng tingin. May point siya. Pero bakit ako namumula? Seryoso ba 'to, Winter? f*****g mafia queen, blushing?! N-narinig mo lang mag-english ganyan ka na? Hindi ba't galing kang New York? Umiling-iling ako at agad na tinampal ang aking pisngi upang magising sa kahibangang naiisip. Inistart ko na muli ang makina ng aking sasakyan. Tangina, gusto ko na umuwi. Parang ang daming nangyari ngayong araw eh. "Papasukin within five minutes? Eh, tulog na tulog ka nga rito?" I said as a matter of fact. Natawa siya sa sinabi ko bago ako tinitigan sa rear view mirror. "You don't know what I can do for you, my queen." He said that almost sounded like a whisper. Sobrang hina ba ng pagkakasabi niya o sobrang lakas lang ng t***k ng puso ko? Either way, I don't like where my heart beat is going. Restrain yourself, Winter. You're still broken. "Do you know who I am, Devyn?" —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD