Chapter 34 ~~ Jordan's chin drop. Halos mabasag na ang bintana ng cotse niya dahil sa kakakalampag ng dalawang lalakeng iyon na mahahalata mo ang sobrang pag-aalala sa mukha. Lumabas si Jordan sa pinto mula sa passenger seat at nang makalabas na siya dali dali siyang pinuntahan ng dalawa. "Ell!" "Bella.." Parehas pa siyang tinabanan ng dalawa sa braso na ikinagulat niya. "o-okay lang ako.." Sabi niya "May masakit ba sayo?" "are you hurt?" Iling na lamang ang naisagot niya sa dalawa na hindi parin siya binibitawan. "okay lang ako." ulit niya sa mga ito. "damnit. sino ba ang mga iyon?" Mahinang sabi ni Keith "Jordan!!" Napalingon si Jordan at nakita niya si Ran na tumatakbo papunta sa kanila kasama sina Marco Dwight at Conan. "We heard gunshots. anong nangyare dito?" Ran said

