Today we excused, Nagpaalam kami sa Principal kung pwedeng hindi muna kami pumasok ng isang linggo. Dahil gusto muna namin maka-recover sa nangyari. Sumang-ayon naman si principal z sa sinabi ko. Hindi naman siguro siya manhid para pigilan niya kaming hindi pumunta sa simenteryo para dalawin ang aming guro. Masakit parin kasi ang nagyari sa amin, Halos hindi na kami nakakalabas ng bahay dahil may nagbabantay na mga pulis upang bantayan kami sa apartment namin. Kaya ano pang magagawa namin kundi sundin sila. Pinautos rin kasi ni principal na bantayan kaming mabuti. Kaya sobrang hirap makalabas ng dorm dahil sa utos ni prinipal. Buti nalang at pumayag si principal na kahit sandali ay dalawin namin ang papa ni Six sa sementeryo. Kahapon kasi pumunta si Claire sa bahay para iabot ang kaunting tulong na maiibibigay niya kay Six.
Sakapal ng mukha ni Claire pumunta ay siya na ang number one. Malaki parin ang galit niya rito lalo na sa taong gumawa ng palno walang iba kun'di si Claire. Wala naman talagang kasalanan si Claire. Sumang-ayon kaming lahat sa kaniyang plano. Wala naman kasing mayroon alam sa mangyayari pa lamang bukod sa akin. Pero hindi ko man sila nababalaan. Kahit iligtas ko ang buhay nila. Mas matindi pa ang mangyayari sa kanila kung ako mismo ang magliligtas sa kanila.
Kasama ko ngayon ang kaibigan ko pupunta kaming dalawa sa simenteryo para dalawin ang aming guro. Si Megan. Nauna sina Six at Maxine sa simenteryo kaya nagmamadali na rin kami sa paglalakad. Malapit na kami sa sementeryo dahil ilang kanto lang ang lalakarin namin mula sa Dorm namin Megan.
Nakita kong nagba-vibrate ang bag ko at tumunog ang tune-call ko.
>>Six Calling..
"Sino'ng tumatawag?" tumingin sa akin si Megan na wala pa rin sa wisyo.
"Si Six," bulong ko at walang ganang sinagot ko ang telepono.
Suminghap ako ng hangin bago sagutin ang tawag ni Six sa kabilang linya. Narinig kong panay buntong hininga ang nasa kabilang linya kaya ngumiti ako at inumpisahan magsalita.
"Yes, hello Six?" ngumiti ako ng nakakaloko habang kausap ko ang nasa kabilang linya.
"Irah," malamig ang boses nito kumpara sa walang gana niyang boses noon.
"Yes, hello nga?" pang-uulit ko pa.
"Malapit na ba kayo?" tanong niya.
Sobrang lapit na talaga namin dahil nandito na kami mismo sa main gate papunta sa hell este sa loob ng sementeryo. Megan, prepared candle and flowers to give a piece of gift to Professor Stanley. Ako naman ang dala ko pagkain mahirap na baka magutom. Doon din kasi namin ipagdaraos yung birthday ko na hindi na matapos tapos dahil sa kanila. Ang gusto kasi nila buo kaming magkakaibigan na magse-celebrate ng birthday ko. Mukha ako timang sa suot ko pero sabi ni Megan ay bagay naman ito sa akin nagmukha naman daw akong tao na nakapaligo ng sampung beses.
"Akirah tingnan mo yung gate nakakatakot parang ayaw ko pumasok natatakot ako." Humawak bigla sa braso ko si Megan.
Tinignan ko siya saka tumawa ng malakas takot kasi siya sa simenteryo dahil sa kapapanood niya ng horror movies. Akala mo kaninang kung sinong matapang na naghahamon na pumunta sa sementeryo eh siya din pala ang takot.
"Wala namang nakakatakot sa-" Naputol ang sinabi ko ng mapanganga ako may pugot na ulo na nakapikit sa kaliwa ng kalawangin gate. Medyo madilim pa din ang paligid kaya napagkakamalan talaga namin na horror cemetery ang napuntahan namin. Horror Cemetery. Maraming puno dito na halos itago ang buong lugar. Nakakatakot pa kasi tuyo na ang mga puno at halaman dito. Napapatingin sa amin ang mga taong dumadaan kakaiba ang awra nila nakakatakot.
"Yes, malapit na kami, nandito na kami sa Main Gate," walang emosyong saad ko sa kabilang linya.
"I.D niyo po ma'am,"
"Patay naiwanan ko,"
"Irah may dala ka?" tanong sa akin ni Megan na parang naiiyak na kahit hindi pa nakakaputa sa puntod ng guro namin.
"Wala po kasi kaming I.D," ako na ang nag-sabi sa Guard na nakabantay sa main gate.
"Madali naman po ang usapan natin, No I.D no entry," nag angat pa ng balikat ang g'wardiya.
"Tyaka mga age restricted po kami rito ma'am pasensiya na po," tumungo pa ang gwardiya na humihingi ng paumanghin.
Lumabas ang isang gwardiya na may hawak na batuta.
"Mga bata kung hindi niyo alam ang age-restricted ay bawal ang edad ay 17 pababa, Ilang na ba kayo mga hija?"
Tanong ng isang Guard na nasa middle age ang tanda nito kaysa sa amin.
"Eighteen po kaming dalawa," magkasabay na sagot namin sa mga Security Guard.
"Mukhang mga Juñior Highschool pa kayo," bulong pa ng isa at tumango ito sumasang-ayon siya sa sinasabi ng isang Gwardiya.
"Please guard, papasukin niyo na po kami importante po talaga," pinagdikit ko pa ang palay ko habang nagmamakaawa rito.
"Naku mga maam, kung papasukin ko po kayo ay matatanggal po ako s aaking trabaho," sumeryo ang mukha ng binatang sa palagay ko'y mas matanda sa amin ng tatlong 'yun.
"Kuya guard please," pagmamakaawa pa ni Megan.
"Hindi po, pwede po,"
"Ayaw kaming papasukin dito dahil mukha raw pambata," natawa nanaman, nag nasa kabilang linya ibinaba ang telepono.
"Hello Six, Hello?"
"Six?"
"Mga ma'am umalis nalang po kayo kasi hindi po talaga pwede. Balik na lamang po kayo kapag may kasama kayong magulang," nagtawanan ang mga pakening guard.
We're Eighteen ipasupalpal ko pa sa kanila ang Birth-Certificate ko para lang maniwala sila..Tsk!
Hahatakin na dapat kami nang mga security guard kaya nagprotesta ako. Hindi porque nakulangan kami sa Height eh, hindi na kami eighteen isa pa mukha raw kaming mga Juñior High, duh isupalpal ko sa kaniya ang Certificate ko punyemas siya.
"18 na po kami," protesta ko sa isang Sekyu pumiglas-piglas ako dahil nasa wastong gulang naman kami at may permit kami galing sa Principal.
Oo nga pala may Permit kami galing sa Principal, Kingina niyo ah kahit 18 years old kami nagpapaalam parin kami mga yawa!
"Naku hindi halatang eighteen kayong dalawa," nagtawanan pa ulit ang mga gwardiya.
Sinasabi ko talaga kapag nakatakas ako dito humanda kayo sa akin.
Nanlaki ang mata ko ng biglang mahawakan ng Gwardiya ang kamay ko. Kaya mabilis kong nalaman kung paano siya mamatay.
Naiyak ako dahil mamatay siya bukas ng umaga sa harapan ng kanilang bahay. Dahil kinanta niya ang pangalan ng mga d**g watch-list sa kanilang lugar. Namataan siyang duguan na pawang naliligo sa kaniyang sariling dugo.
"Totoo po 18 years old na po kami-" naputol ang sinabi ni Megan ng may magsalita sa kalayuan.
"Guards, Yaya ko silang dalawa kaya papasukin niyo na," utos ni Six habang nakangiti.
Kaya parehas kaming nagkatinginan ni Megan. Ano raw yaya niya kami? Wut da hek!
"Sir, pasensiya na po," bigla kaming pinakawalan ng tatlong gwardiya na nakahawak sa braso namin.
"Oh diba sabi ko sa inyo amo namin siya," sinabayan na lamang ni Megan ang trip ni Six.
"Wala naman po kayong sinabi," natatawa pa na sabi nung Guard na may pangalang Romeo.
Nakita ko kasi ang pangalan niya sa kaniyang maliit na name plate kanang dibdib at siya ang humawak sa kamay ko.
"Anong sinasabi mo dun sa guard na yaya mo kami?" protesta ni Megan habang inaaway si Six.
Iniwan ko sila habang nag-aaway habang ako naman ay iniisip ko kung paano ko ba sasabihin sa Guard ang nakikita ko.
Bibigyan ko ba siya ng Warning? Pero kahit bigyan ko siya ng warning hindi niya malalampasan ang kamatayan.
Anong gagawin mo Akirah?
Napahinto ako at sandaling nag-isip bago tumingin sa gwardiya na may maamong mukha. Napaka sipag niya at napaka bait dahil sa kaniyang tatlong mga anak. Naawa ako sa sasapitin ng kanilang ama kung maaga itong pumanaw.
"Kuya Romeo tama po ba?" tawag ko sa Guard na nahihiya sa akin na humarap.
"Bakit po Ma'am?" tanong nito na parang nahihiya sa akin.
"Gusto ko lang pong magpasalamat dahil pinapasok niyo po kami," ngumiti ako rito.
Katulad ng ginawa ko ay ngumiti rin siya pabalik sa akin.
"Wala po 'yon ma'am nahihiya nga po kami sa inyo eh,"
"Basta mag-iingat na lang po kayo," hinawakan ko pa ang kaniyang magspang na kamay saka tumango sa kaniya.
Kinawayan ako ng Guard bago maglakad papalayo ng biglang maisip ko kung paano kung sabihin ko sa guard na mamatay siya bukas? Tyaka naman walang problema ang taong 'yun. Ganun pala talaga ang nangyayari kapag mamatay kana hindi muna na iniinda ang mararamdaman ng iba nasa paligid mo.
"Kuya Romeo," tawag ko pa sa kaniyang pangalan.
Humarap siya sa akin ng may masayang ngiti mula sa kaniyang labi. Hindi nalalaman ng tao kung kailan siya mamatay o kung anong oras siya babawian ng buhay.
"Umalis po kayo sa bahay niyo pagkauwi iyo ng bahay, lumipat po kayo sa ligtas na lugar, paalam po," mabilis kong inabot sa kaniyang ang tatlong libong hawak ko sa bag ko.
"Ma'am hindi ko po ito kailangan, Ma'am ano pong sinasabi niyo sa akin," hinabol ako ng gwardiya ngunit sumenyas ako na huwag akong sundan papunta sa loob at gawin na lamang ang pinagagawa ko sa kaniya.
"Mababaliktad ko ang sumpa sa akin," ngumiti ako bago tuluyang maglakad sa loob ng Sementeryo.