Chapter 6: Deserve to die

1671 Words
Chapter VI                                                                             Uno Bente Kwatro                                                                       Written by: AkosiGuerero                                                                                    Series One     Akirah's Point of View   "Tumakbo na kayo, iligtas niyo ang sarili niyo babalikan ko kayo pangako." Ngumiti si Maxine kahit nangigirot ang kaniyang mga paa.   Wala na kaming nagawa kun'di iwanan siya at tumakas mula sa salarin.   Narinig ko ang malakas na putok ng b***l mula sa malayo. Tumingin ako sa likod ng mapansin kong hindi na humahawak sa kamay ko si...   "MEGAN!"     NAKITA ko ang pagngiti ni megan kasabay noon ang pagtulo ng dugo mula sa kaniyang bibig. Napatingin siya sa kaniyang tiyan habang rumaragasa ang napakaraming dugo. Pilit niya ito hinawakan bago tumingin sa aming dalawa.   Nakangiti ito...   “Megan!” Sigaw ni Maxine.   Naiyak na lamang ako ng tinawag ni Maxine ang pangalan ng kaibigan namin. Parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko.   Kasunod nun ang pagumuho ang mundo ko ng makita namin na bumagsak ang katawan ni Megan sa lupa. Napaupo si Maxine dahil sa mabilis na pangyayari.   Halos sumigaw ako dahil sa awa ko sa  kaibigan ko. Para siyang manikin na bumagsak sa lupa. Hindi ko napigilan bumuhos na ang luha kong itinatago. Hawak ko ang dibdib ko dahil nahihirapan akong huminga. Wala akong nagawa para iligtas siya sa kapahamakan.   Tumakbo ako habang papalapit sa kinaroroonan ng kaibigan ko. Napatanga na lamang ako dahil halos maligo na siya sa kaniyang sariling dugo. Hindi lang pala sa likod ang tama niya pati narin sa hita.   Umupo ako marahan siyang inilagay siya sa aking hita. Nanginginig kong tinignan ang kaniyang kabuuan. Una kong tinignan ang kaniyang mukha na hirap na hirap na at nagmamakaawa sa akin na tulungan ko siya.   Maraming dugo ang lumabas mula sa kaniyang likod. Natahimik ako dahil sa kaniyang mukha na kahit pa nasa bingit ng kamatayan ay nagagawa niya parin ngumiti sa akin. Ang mga ngiting 'yon kahit na mabilis na segundo lamang ay tiyak na mapapawi kapag siya ay binawian ng buhay.   Nakangiti parin siya sa akin kahit nahihirapan siya. Hindi mawari sa kaniyang mukha ang alinlangan.   "AKI-RAH." tawag niya sa pangalan ko.   Nabingi ako ng tawagin niya ako sa aking pangalan. Ang pagbigkas niya sa aking pangalan ay isang magandang tinig mula sa akin. Kahit anong tago ko pang tapang sa aking loob masasaktan ka talaga kapag nasasaktan rin ng malubha ang kaibigan mo. Kasi para sa akin hindi lang siya isang tunay na kaibigan kundi para ko na rin siyang tunay kong kapatid.   Naaawa ako sa bosea niya nahihirapan siya sa paghinga. Nakita ko rin ang pag agos ng dugo mula sa kaniyang bibig. Parang gripo ang kaniyang pagragasa dahil sobrang dami ng dugo na nawala sa kaniyang katawan.   “N-natatandaan mo pa ba noong wala ka pa sa buhay ko parang gusto ko na mawala ako sa mundong ito.”   Ang kaninang nakangiting mukha ay naging seryoso sa kaniyang pananalita. Inaalala niya ang mga sandali na nalalabi sa kaniyang buhay.   "God tulungan niyo po siya."   “H'wag ka ngang magsalita ng gan'yan.” Hinawi ko ulit ang luhang tumutulo sa mga mata ko.   Kanina lang ang saya-saya umalis sa school tapos ngayon mag iiyakan kami. Ngayon ko lang masasabi  na masama rin palang sumaya ng sobra kasi mabilis itong mapapalitan ng lungkot.   “Gusto kong mamatay... Gusto kong mag suicide dahil walang nagmamahal sa akin dati.” Bumuntong hininga siya.   Hinawi ko ang luha na pumatak sa kaniyang mata na tila traydor dahil ayaw niyang ipakita na mahina siya. Wala akong ibang masabi sa kaniya kun'di hagulgol dahil naawa ako sa kaniya. Ayoko ulit na mawalan ng kaibigan.   “Lahat ng mahal ko sa buhay nawala si mama... si papa... pati  mga kapatid ko maaga silang namatay.” Umubo siya habang sinasariwa ang kaniyang mga pinagdaanan noon.   Nakatingin siya ngayon sa langit habang nakangiti. Marahan niyang itinuro ang kalangitan at sinabing...   “Kaya ano pang silbi ko sa mundong ito?” Tumingin siya ng bahagya sa aking mukha.   “Ang nakaraan ay nakaraan ang mahalaga ngayon.” Marahan kong pinisil ang kaniyang malambot na palad.   “Pero nung makilala ko kayo ni Maxine nagkaroon ako ng pag-asa na mabuhay. Ipinaramdam mo sa'kin ang salitang pamilya.” Tumingin ulit siya sa langit at tinuro ang malaking puting ulap.   “Doon ko naranasan na kahit kulang ako kayo ang bumuo sa akin. Hindi niyo pinaramdam sa akin na mag isa ako.” Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko at pinahid ang luhang pumapatak sa aking mga mata.   “Alam mo kung ano yung pinakamasaya na araw sa buhay ko?” Pilit siyang ngumiti para ipakita sa amin na ayos lang siya.   “Yung niyakap niyo ako noong malungkot ako.”   Hinaplos niya ng mariin ang pisngi ko pinahid ang mga luhang pumapatak. Ayokong makitang nahihirapan ang kaibigan ko. Ayokong makita na nahihirapan ang kaibigan ko.   "Anuman ang mangyari..tandaan mo hindi kita-malilimutan m-mahal na mahal kita alam mo yan." Nahihirapan niyang sabi at hinawakan niya ang aking mukha.   Hindi ko alam ang isasagot ko o magiging tugon ko sa kaniya kundi luha parin dahil mahina akong tao. Bakit ako nagkakaganito? Wala man lang akong masabi sa kaniya. natatakot ako Oo, natatakot akong mamatay siya, ayokong may magsawi nang buhay para lamang sa akin.   "Sabay-sabay tayong makakaligtas walang maiiwan dito sama-sama tayo ni Maxine ikaw at ako. Papasok pa tayo sa school, pagtitripan pa natin si Prof Crocodile. Matutupad pa natin ang ating mga pangarap." Salaysay ko.   Mariin kong hinawakan ang kaniyang mainit na kamay at inilagay sa aking pisngi. Parehas kaming umiiyak dahil sa takot naming dalawa na mawala siya sa mundong ito. Ang mga kamay niya na yon ang tangi kong naging lakas sa oras na nanghihina ako.   "NA-IINTINDIHAN MO BA AKO?" Dagdag ko pa sa rito   Tumango lamang siya sa akin kahit nahihirapan na siya huminga wala akong nagawa kundi yakapin na lamang siya ng mahigpit yung tipong hindi muna siya kayang pakawalan dahil napamahal na siya sayo. Mahinang tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kaniya. patuloy parin ang pagtulo ng luha ko dahil nakikta kong nahihirapan na siya sa kaniyang sitwasyon. Sana ako na lang ang nasa kalagayan niya para hindi na siya maahirapan. Sana ako na lang ang umako ng nararamdaman niya ngayon. Sana ako na lang ang nabaril.   Sana ako lang!   "Ipangako mo sa akin magagawa pa natin ang lahat ng yon."   Halos abutin niya ang kamay ko para ikulong sa kamay niya pero hindi niya ito maabot kaya ako na mismo ang gumawa para sa kaniya. Nakita ko ang bahagyang pagngiti niya.   “A-ayokong mangako.”   Binitiwan niya ang kamay ko saka pumikit. Marahan niyang kinapa ang kaniyang tiyan umiyak siya ng makitang dugo sa kamay niya.   “Mamatay ako.”   “Hindi ka mamatay.”   “Mamatay ako.”   “Hindi Megan!”     “Hindi..”   “H'wag kang mawawala huh?” Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at hinawi ang kaniyang buhok.   Hindi siya nagsalita at sumuka na lang siya ng dugo nakatingin siya sa langit habang unti-unti niyang tinuturo ang kalangitan. May ngiti ang kaniyang labi na hindi masusuklian ng anumang yaman dito sa mundo na ito. Nais ko pa siyang makasama rito sa mundo ngunit maliit na ang tyansa niyang mabuhay dahil sa kaniyang kalagayan.   "Sumagot ka Megan."   Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa kaniyang sitwasyon nahihirapan na talaga siya pero hindi pa siya nararapat na mamahinga.   "Aki-rah nakikita mo ba yon?" tanong niya sabay turo niya ang asul na kalangitan.   Mas lalo akong naiyak dahil nagpapahiwatig na siyang mamatay sa anumang oras o minuto man. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Ayoko nang mawalan pa ng kaibigan. Ayoko nang may magbuwis pa ng buhay para sa akin—ayokong matulad siya kay Yvonne.   "Mapupunta ako diyan ang sasabihin ko sa diyos na sana ako ang maging anghel mo. Gusto kong ako ang babantay sayo. Ako ang pro-protekta sayo kahit wala na ako," nakangiti niyang sabi.   Sunod-sunod na pagpatak ng luha mula sa aking mata. Niyakap ko lamang siya ng sobrang higpit  hinawakan ang kaniyang malambot na buhok.   "No, huwag mong sasabihin ang salitang yan you are not deserve to die," nanlulumo kong saad.   "If it's my time i deserve to die.”  Tumingin na lamang siya sa kawalan na parang may bagabag sa kaniyang damdamin.   Iniisip niya ba na mamatay na siya? Kung ganon ang nasa isip niya h'wag sanang pahintulutan ng diyos.   "No you're not." Napapailing ako dahil sa mga binitiwan niyang mga salita.   Halos mamaga na ang mata ko dahil sa kakaiyak. Sana ako nalang ang nasa kalagayan niya para hindi ko na siya nakikitang nahihirapan. Niyakap ko ulit siya dahil ayokong mawala siya sa akin. Ayokong mawala siya. Please gusto ko lang naman nf kaibigan pero bakit lahat ng minamahal ko nawawala?   "Hindi mo pa oras mamatay," pagtutol ko.   Kanina ko pa nahahawakan ang kaniyang kamay pero walang nakikitang masamang mangyayari sa kaniya. ang nakikita ko lamang sa kaniya ay mabubuhay siya at makakasama ko pa siya ng matagal. May paraan pa para mabuhay siya at isa naroon para mabuhay siya ay tiwala sa pananampalataya sa diyos.   "Nagkakamali ka." Halos maluha ako dahil sa kirot ng puso na nararamdam ko. Ayokong mawala siya.   Hindi ko napigilan na mapatingin sa langit. Kung may diyos bakit niya hinahayaan na mangyari ang lahat ng ito sa amin. Ako nalang ang kunin niya h'wag niyang pahirapan ang mga taong mahal ko sa buhay.   "Hindi ako nagkakamali." Tutol niya.   Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Halos hindi ako makahinga sa kakaiyak. Ano bang nagawa ko sa mundong ito para parusahan ako ng ganito. Hindi ko naman ginusto na magkaroon ako ng ganitong kapangyarihan bakit ipinagkaloob sa akin ito. Bakit sa akin pa? Anong mayroon sa akin. Ako na siguro ang pinakamalas na tao sa mundo ito.   Napatingin ako sa mukha ni Megan nanginginig ito. Kaya mas lalo akong naiyak at niyakap siya ulit. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagulat ako sa sumunod na pangyayari may lumalabas sa bibig niya na kulay puti. Naisip ko agad ang tama niya sa tiyan. Hindi kaya? Hindi kaya may lason ang bala?   Hindi maari..                                                                                   END OF CHAPTER SIX
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD