Chapter 3: Nigthmares

1401 Words
N/A: This Novel Contains tragedy and murders from Serial killer's.. Chapter III                                                                             Uno Bente Kwatro                                                                       Written by: AkosiGuerero                                                                                    Series One Akirah's Poin of View “HUY! AKIRAH GISING!” Sigaw ni Maxine kaya mabilis akong nagising. Niyakap ko siya at umiyak dahil sa takot. Pasalamat na lang at ginising niya ako kung hindi ako nagising baka mamatay ako. “Ano bang nangyari sayo?” “Basta,” huminga ako ng malalim. “PURO KAYO DRAMA, REMEMBER 'DI PA KAYO TAPOS SA THESIS, GET OUT!” Dinuro kami ng aming prof na walang ginawa kun'di magalit. Wala kaming nagawa kun'di lumabas na lamang pinakita ko pa sa aking guro na inaatok ako. Ngi! INAANTOK na talaga ako sa kakatayo dito sa labas ng room namin. Punyemas kasing thesis hindi na natapos-tapos. Paano ba naman kasi matatapos ang thesis kung isa lang ang gagawa at s'yempre ako 'yon. Lahat siguro ng nabiyayaan ng kabaitan sinalo ko na lahat. After launch break aabangan ko talaga 'yan sa Cafeteria "Mc. Claire Sandoval." "Hindi pa tayo tapos." "Isasako kitang pandak ka." Sakto naman nakatingin siya sa'kin kaya pinaikot ko ng lubusan ang aking mga mata. Anong akala niya sa akin tanga? Mauna siya sa impyerno. Nandito ako ngayon nakatayo habang nakalagay ang kaliwang kamay sa dibdib. Syempre kumakanta kami ng Lupang Hinirang with feelings. B'wisit na araw talaga ang biyernes pambihira. Sa lahat talaga ng araw sa birthday ko pa napatapat. Isipin niyo dapat umabsent ako ngayon kasi nga birthday ko pero ganito kaaga manermon ang teacher ko. Pinaka-malas na araw daw ay biyernes. "I hate Friday," Hindi ko maiwasang mapatingin sa nagtatawanang mga Senior High na nasa paligid namin na kung pagtinginan kami ay sinusuri ang buong pagkatao namin. Kingina nyo. “I don't like this fu*king moment.” pabulong na mura ko. I hide my face using my geometry book. Buti na lang at nasa harapan ko sina Megan at Maxine ang dalawa kong kaibigan na over protect sa'kin para hindi mapagalitan ni Croco-Professor Crocodile. Nakakaantok pumasok sa school >,"One month na nating pinag aaralan ang chapter one mahiya naman kayo. Remember pilot section kayo hindi kayo lower section!" galit na sigaw ni Croco. Sinamaan ko ng tingin ang magaling naming leader na puro make-up ang alam. Ang ibig ko sabihin mas inuuna niya ang paglalagay ng makapal na make-up kaysa unahin ang thesis. Mukha namang payaso kinulang sa aruga.. Ang kapal pa talaga ng mukha ni Sandoval at lantaran na kung mag make-up. Halos nagtatawanan na si Megan at Maxine dito sa unahan ko dahil sa kaniya. "Maganda nga, pinapagana ang s**o," ani ni Maxine at pinaikot ang kaniyang mata, sabay hawak sa baywang. Natawa narin ako sa sinabi ni Maxine. Kapag talaga nag bitaw si Maxine ng sinabi papanindigan niya 'yon anuman ang mangyari. For the god sake! Away na naman. That's true naman, Worst group ko talaga yan ever since elementary. Siya na lang palagi ang first honor kahit walang ginagawa. Habang ako ang gumagawa ng lahat maging honor lang siya. Because of her mother na laging luluhod sa akin kapag nag away kami. Pero sabi nga nila nauubos ang pasensiya ng tao. Kaya ako ubos na ubos na talaga ang pasensiya ko sa kaniya. "Sweety, I think ikaw yung pinatatamaan ni flat chested.." Pinakita pa ni Kitty ang pag ngisi niya sa akin. Nanlaki ang mata ko at mabilis na kinulbit ko Maxine na walang kurbang emosyon na makikita sa kaniyang mukha na kanina lamang ay nakangiti. Normal lang. "Sh*t Maxine humarap ka." "Nagsumbong na si bida-bida. " sabi ni Tiara kaibigan ni Claire Tangina mo Tiara.. Kaliwa't kanan ang tingin ko sa kanilang dalawa. Alam kong away na naman ito at hindi ko na gustong mapunta ulit sa Principal Office. May record na ako parang awa niyo na  GUSTO KO LANG NAMAN MAKAGRADUATE!! "Oh, ano problema mo?" Sa wakas lumingon na si Maxine at nginisihan ko siya sabay tiningnan ang tatlong demonyita. Masama ang tingin nila kay Maxine at sa akin. Nanlaki ang mata ko at sinenyasan ako ni Claire ng? "F*ck you." Nang makita ko 'yon ay mabilis na nagsi-akyatan ang dugo mula talampakan hanggang ulo. Gawin muna lahat pero 'wag kang magkakamali na senyasan ako ng ganyan. Hinawi ko na lang buhok ko sabay pinahinahon ang sarili ko. Chill ka lang self nakashabu  si Claire. Charot. "Patawad po panginoon, Hindi ako makakagawa ng tama ngayong araw na ito." Bulong ko na lamang sa sarili ko. Nagwawala na ang lider ng mga demonyo dahil sa asal na ginawa ko sa kanila. Gusto ko maka-graduate! Ayokong makipag-away sa mga walang pinag-aralan. "CLAIRE SANDOVAL YOU B*TCH.." Umalingawngaw ang sigaw ni Maxine sa buong Campus. Huminto ang lahat mula sa paglalakad, pag-inom, Pag eensayong sayaw ng mga Señior High sa foundation day. Pati ang Profesor naming galit na galit kanina lang ay napanganga. Napukaw ang atensyon nila kay Maxine na wala paring halong emosyon. Huminto ang pag inog ko ng mundo ng makaharap niya ang babaeng kinasusuklaman ko. I'm pretty sure nagtitimpi siya kanina pero ngayon hindi na niya makayanan. 'Wag ninyong gagalitin si Maxine isa lang ang pupuntahan niyo at sa impyerno 'yon. "Maxine enough you loosin' your time for somebody who don't need your time-" Naputol ang sinabi ko dahil sa ginawa ni Maxine sa tatlo. Sa tatlong segundo ay napatumba niya ang tatlong demonyita ng sabay-sabay sa pamamagitan ng isang malakas na sampal. "Banggain niyo na ang lahat 'wag lang ang kaibigan ko, Ako na mismo ang magdadala sa inyo sa impyerno." Halos bumilog ang mga mata ko sa kaniyang ginawa sa tatlong demonyita. Namalayan kong nag iinit ang sulok ng aking mga mata hindi ko maintindihan pero niyakap ko na lamang ang aking kaibigan na si Maxine. Alam kong kahit na mas lalake siya tingnan kaysa sa lalake eh mahal ko parin siya dahil kaibigan ko siya at mahal ko siya. Napukaw ang atens'yon ko sa mga estudyante na nasa paligid at nag palakpakan sila. Hanggang sa lumakas ng lumakas makikita sa kanilang mukha ang pagkagulat dahilan para sila ay magsigawan at pumalakpak. Ang mga palakpak na 'yon ay nagmistulang isang ginto sa aking mga mata. Pinagmasdan ko sila isa-isa   at lahat sila ay may ngiti sa kanilang mga labi, Nagkindatan kaming tatlo sabay nag bow. “Maraming salamat.” “Salamat.” “Mga fans ko kayo wut.. wut.” “Salamat” Nagtawanan kaming tatlo sa aming ginawa pero alam ko naman ang kakahantungan nito baka masuspended kami nito kaya ngayong araw lulubos-lubosin ko na. “Autograph?” “Idol pa autograph..” “Ako rin po,” saad ng isang babae na ka curly ang buhok sa akin. “Pa-selfie po,” ngumiti si Maxine sabay wacky. Lokong Maxine kanina lang eh, galit na galit ngayon tingnan mo ang ungas kapag selfie ang pinag uusapan, wala na finish na. Ito naman si Megan taas ang paa habang nag seselfie. Hawak pa sa baywang. mukhang-tanga. Napukaw ang atensyon ko sa guro na tahimik na nagmamasid sa aming harapan na pinaghalong galit at irita ang makikita sa kaniyang mukha. Ngumiti si Maxine sa'kin sabay kindat. Si Crocodile galit na sa'tin, pagkatapos nito alam niyo na, ngumiwi ako. Alam ko ang tinutukoy niya mag ka-cutting kami. Habang kasama ko ang dalawa kong timang na kaibigan. Paniguradong hahabulin kami ni kuya betong ang gwardiya ng aming paaralan. “Ready na yung mga paa ko sana kayo rin,” wika ko “Huh? Ano yung ready?” Hinila na lamang namin siya baka mahablot siya ni kuya betong. Patay talaga kami sa Principal lalo na si Maxine na suki ng office. Sa lahat siguro ng slow, siya na pambato namin si Megan Fernandez. Pero mahal namin siya kahit medyo may pagka slow. Nagtatawanan kami habang tumatakbo hinahabol kami ni Crocodile. Kaunti na lang at malapit na kami sa gate makakatakas narin kami rito. Narinig namin ang malakas na pito ni kuya Betong pero tinawanan lang siya ni Maxine. Lukong Maxine pati gwardiya inaasar niya. “Hoy! Mag ka-cutting na naman kayo..” Pumito siya ng pumito pero nagtawanan lang kami habang patuloy na tumatakbo. Sarap ng buhay sa Señior High.. “Bumalik kayong mga batang pasaway.” Batang Pasaway Habang papalayo kami ng papalayo ay nagtatawanan kami para kaming baliw sa daan habang tumatakbo. Nahiga kaming tatlo sa d**o habang nagtatawanan parin. “Sino 'yun?” turo ni Megan sa malayo.                                                                                                                                      End 3: UNO BENTE KWATRO
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD