Sabina “MISS, naandiyan na po si Sir Hades—” Mabilis akong umalis ng kuwarto ko matapos i-anunsyo ng kasambahay namin ang pagdating ni Hades. Kanina ko pa siya inaabangan dahil may mahalaga akong sasabihin sa kanya. Mabilis ang aking naging paghinga. Hindi dapat ako tumakbo pero dahil sa pagmamadali ay hindi ko naiwasan. Nakita ko si Hades na kausap ni Dad. Napatigil ako at nagdalawang-isip. Hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang pakay ko na kaharap si Dad. Calm down, Sabina. May pagkakataon na rito umuuwi si Hades sa bahay namin, lalo na kapag si Mommy na ang nagsabi sa kanya na pumunta rito. May pagkakataon naman na nasa penthouse niya kaming dalawa o hindi kaya ay sa condo na pagmamay-ari ko. “I will take care of it, Tito.” Dahan-dahan akong lumapit kay Hades. Napansin kaagad ni

