Sabina ANG BILIS ng pangyayari na hindi ko na halos nasundan. Ang naalala ko lamang, kakatapos lamang naming mag-exam at nagkataon na sabay-sabay kaming magkakaibigan na natapos kaya’t nagkayayaan sa mall. Naabutan namin si Lance kaya’t sumama rin ito sa amin. Kumain at nag-shopping lamang kami. Hindi ko pa nagagalaw ang aking cellphone dahil na-lowbat ako kanina. Iniisip ko na maaaring may mensahe si Hades sa akin. Simula nang magpunta siya ng Spain, ang way of communication lamang muna namin ay phone. Malapit na naman silang umuwi, so we will spend our time together. Nalaman ko rin ang ginawa ni Hades sa mga Gallegos. Kagaya ng ginawa nina Neriah kay Hades, pinaglaruan din niya ang mga ito at ginamit pa ang kapatid ng ama ni Neriah sa plano niya. Nakakulong na ang mag-ama dahil sa mg

