"Sign the contract if you agreed," "Teka, sandali lang! Wala pa nga sa sampung minuto ang lumipas. Bakit mo ako minamadali pumirma ng kontrata? May something dito, 'no? Anong meron sa contract na hindi mo sinasabi sa akin?" "Wala. Ayaw ko lang patagalin pa. Pirmahan mo na kung pumapayag ka." "Hmm," napaisip tuloy ako dahil sa pagmamadali niya. Pirmahan ko na ba o hindi na muna? Hindi pa naman kasi ako tapos magbasa. Kailangan ko itong basahin lahat baka mamaya ay lugi ako sa part ko. "You have 5 seconds to decide. In 5... 4..." This man. Napa-roll ako ng eyes because of his haste. "3... 2..." "Fine. I will sign." Kinuha ko ang ballpen at pinirmahan ang kontrata. "There. I have signed the contract." "Good decision. Now I'm fully yours for one month." There's a devilish smile on

