"Manang Fe!" Hindi ko napigilang itili ang pangalan ni Manang Fe, kasi ba naman, kinuha niya 'yong paborito kong cheese. Nag iisa na lang iyon at matatagalan pa magka stock dito sa bahay dahil ilang minuto ang biyahe papuntang grocery. "Bakit, anak?" maang maangan nitong tinanong sa akin na para bang hindi niya alam ang dahilan kung bakit ko tinawag ang kaniyang pangalan. "Yung cheese ko," nagpapacute kong sinabi sa kaniya para man lang maisipan niyang ibalik sa akin 'yung cheese. "Oh. Ito ba? Bakit?" "Akin iyan, e." Nakanguso ko nang sinabi. "Hindi ba, nakakain ka na? Ilan na ba ang nakain mo nito. Ipagdadamot mo ba sa akin itong isang piraso anak?" tanong niya. Hindi na ako nakapagsalita. Mukhang ginagamitan ako ng power konsensya nitong si Manang Fe. Parang pina power trip niya

