"Bakit ang sama yata ng timpla ng mukha mo?" tanong ni Nicholai sa akin. Napansin niya agad na nakabusangot ako at nakakunot ang aking mga kilay. "Nasaan sila? Kanina nandito lang ang mga iyon ah!" Nawala kasi ang iba naming kaibigan. Si Nicholai na lang ang naiwan dito. "They left. May mga susunod na silang klase. Ikaw ba anong oras ang susunod mong class?" tanong niya sa akin. As if she doesn't know it. "Lhai, we are on the same class. Tayong dalawa lang ang mag kaklase sa buong subject natin this school year, nakalimutan mo na ba?" "Ay oo nga pala! Nawala sa isip ko. Minsan kasi hindi ka pumapasok kaya akala ko hindi tayo magkaklase da ibang subject." Napangiti ako roon sa sinabi niya. She was right, sometimes, hindi ko pinapasukan yung ibang subject. But it was okay, palagi

