Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Yung babae kanina, siya ba iyong girlfriend mo?" "Oo. Siya nga. Bakit?" "Relax, wala naman akong gagawin. Unless you want me to do something." "Anong pinaplano mo?" "Ano kayang magiging reaksyon ng girlfriend mo kapag nalaman niyang may hinalikan kang ibang babae sa tagaytay? Oh, wait, let me guess." "What do you want?" matigas nitong sagot sa akin. Nagkibit balikat ako. "Wala. I just want to know." "Binabalak mo ba akong i blackmail?" "Hindi. Bakit ko naman gagawin iyon? Gusto ko lang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng girlfriend mo. Masama ba iyon?" "Don't ruin my relationship. I just gave you what you need." "You look disappointed. Mukhang di mo yata nagustuhan na magkita ulit tayo dito sa school niyo." "I am. Akala k

