4

1255 Words
PRESENT Hinihingal akong napaupo sa aking king size bed, puno ng pawis ang aking noo at kapos ang aking hininga dahil sa aking bangungot. “Ma’am Sabrina, nasa ibaba na ho sina Sir Jacob,” ani Manang Fe. “Ayos lang ho ba kayo?” Sunod na tanong niya noong mapansin ang aking hitsura. Bakas sa tono ng kaniyang pananalita ang pag-aalala. Pati ang tingin niya sa akin ay nag aalala siya. Napatingin pa siya sa AC ko at pinakiramdaman kung malamig ang aking kwarto. Kaya nagtaka siguro siya dahil pawis na pawis ako. “I had a bad dream,” walang gana kong tugon kay Manang at huminga ng malalim. “Hubarin mo ‘yong damit mo Ma’am Sabrina tapos ilagay mo sa ilalim ng unan mo!” mabilis ang naging hakbang ni Manang Fe palapit sa akin at saka pinahuhubad sa akin ang suot ko. “Manang Fe, bakit kailangan kong gawin ang sinasabi mo?” “Ano ka ba, Ma’am? Kailangan mo talagang gawin ang paghubad ng damit na suot mo at ilagay iyan sa ilalim ng unan mo para hindi magkatotoo ang panaginip mo!” “Ha? Ganoon ba iyon?” Lumapit sa akin si Manang Fe at tinulungan akong hubarin itong suot kong damit at siya na mismo ang naglagay sa ilalim ng unan ko. “Sa susunod ho na magkaroon kayo ng masamang panaginip ay gawin niyo lang ito upang hindi na magkatotoo pa iyon. Wag kayong mag alala Ma’am dahil epektibo itong panangga sa masamang panaginip na iyan. Ito palagi ang ginagawa namin sa probinsiya kapag nakakaencounter kami ng ganitong sitwasyon.” “Damn. Sorry.” Napalingon kami sa pintuan at nakita ko si Andrei na nasa labas ng pintuan ko. Mabilis siyang tumalikod nang makita niya akong naka-bra lang. Ako naman ay napakuha agad ng unan at tinaklob sa dibdib ko. “Anong ginagawa mo dito?” Bulyaw ko sa kaniya. “Ang tagal mo kasi. Kanina pa kami naghihintay sa baba!” Sigaw niya sa akin pabalik. “Right. I know. I’m going. Get down your ass!” bulyaw ko rin pabalik. Nagmamadali naman siyang umalis sa harap ng pintuan namin at si Manang Fe naman ay natataranta at sinisisi ang kaniyang sarili dahil siya raw ang nagpahubad sa akin tapos hindi niya sinaradong maigi ang pintuan. Nakita tuloy ako ni Andrei ng nakahubad. Si Andrei ay isa sa mga kaibigan ko. At ngayon ay pupunta kami ng Tagaytay para lang mag starbucks at magview ng magandang tanawin to refresh ourselves since katatapos lang ng Prelim exam namin. Nag-ayos na ako ng sarili. I put light make up only to compliment my mood. Para na rin hindi mahalata ni Manang Fe. Doon na lang ako sa sasakyan magreretouch ng make-up ko, to make it hard. Hard, huh, yeah I like it hard. Bumaba rin ako agad para salubungin ang mga kaibigan kong sobrang aga but they are not here anymore sa living room. Manang Fe told me na they are waiting in the car na lang daw. I took my small bag before I go to the outside. Wala naman ang parents ko rito kaya wala akong ibang pagpapalamanan kun’di kay Manang Fe lang. And since hindi ko na kailangan magpaalam sa parents ko, I feel so superior. Ewan ko ba, mas sanay na ako mabuhay mag-isa. I don’t even need them anymore. Just their money. Siguro nga doon na lang sila sa states at hayaan na lang ako rito sa Pilipinas mag-isa. I don’t need anybody. Okay na akong si Manang Fe lang ang kasama. I used to anyway. “Here she comes!” “Why are you so late?” “I’m not late!” angil ko habang nakangisi. Kasi I know I am very late. “Ang usapan natin, 6 am girl, look at the time. Ang laki ng bahay niyo pero parang wala kayong orasan. Ew! So poor!” Veronica states. “Girl I’m a VIP class, remember?” “Hey babe.” Napalingon ako sa likod ko. Napakunot ang noo ko. “What is he doing here?” “Craig invited him.” Craig just peace out to me when I looked at him. Damn! Hindi ko ito maienjoy. Nandito lang naman ang ex ko. And what did he call me, babe? Ew! Inirapan ko lang si Jeron na ex ko at nag focus na lang sa harapan, hindi ko na nilingon sila Andrei na kasama ni Jeron. Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng lalaking iyon ay kumukulo ang buong kalamnan ko. Nangigigil ako sa kaniya ang sarap niyang ipalapa sa leon! Ang gulo nila sa likod ng sasakyan at ang iingay. Palibhasa mga lalaki. Nakakairita sila. Wala lang akong choice kasi nandito si Andrei. He’s my new suspect. I want him and I will make him mine today. Sumulyap muna ako ulit sa likod just to see him, pero mukha agad ni Jeron ang bumungad sa akin. Sumama agad ang timpla ng mood ko kaya inayos ko na lang ang sarili ko na tumingin sa harap at nagdesisyong wag na lang tumingin sa likod kahit di ko pa makita si Andrei. Badtrip kasi iyang si Jeron, alam na ngang kasama ako, sumama pa rin! Bobo. “Sabrina, pagpasensyahan mo na ang boyfriend ko. Alam mo namang boto lang iyon sa loveteam ninyo ni Jeron kaya umaasa pa siya sa comeback niyo.” ani ni Nicholai. buti na lang siya ang nakatabi ko. She’s so sweet. Kaya naman yung kunot sa noo ko ay nawala at napalitan ng maliit na ngiti. “Thank you.” Sabi ko na lang sa kaniya. “By the way, anong total score mo? Pumasa ka rin ba? Ang daming bagsak sa akin. Ako lang ata ang pumasa.” Humina ang boses niya kasi nalungkot siyang hindi pumasa ang mga kaibigan namin sa exam, at sigurado, mag special exam ang mga iyan, like me. “Hindi rin ako pumasa. Pero ayos lang, marami namang pera sila Mommy para bayaran ‘yong retake exams.” I smiled at her. Tumango lang siya sa sinabi ko. I know I sound a bit too harsh but that’s the truth. Kaya nga nagwowork sila Mommy sa ibang bansa ay para iprovide nila ang lahat ng kailangan ko. and that includes my retake exams. Alam ko rin na sa pag-uwi ko mamayang gabi, pagbukas ko palang ng inbox ko ay tadtad na ako ng messages from Mom kasi for sure malalaman niyang binagsak ko ang lahat ng exam ngayong prelim. Well, I don’t care. as long as nag eenjoy ako, that’s the only who matter. Nilabas ko ang dark red lipstick sa bulsa ng small bag ko at inapply iyon sa labi ko. Damn. I’m so f*****g gorgeous. I smirked while looking at myself in the mirror. “Ang ganda mo talaga Sabrina!” Panay ang papuri sa akin ng mga tropa naming lalaki sa likod. “Yeah, I know right.” I’m so proud of myself. Binalik ko sa bag ang red lipstick. “Kaya patay na patay sa iyo si Jeron e. Simula ng matikman ka hindi ka nalimutan!” Panay ang kantyawan nila ngayon sa likod ng sasakyan at napailing na lang ako tapos hindi na sila pinansin. Ayaw kong sayangin ang oras ko sa mga walang kwentang tao at walang kwentang kwentuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD