Halos maluha siya dala ng sakit at sama ng loob. Pinilit niyang tumayo.Sobrang hapdi na rin ng kanyang braso na natapunan ng mainit na kape. Ngunit tila walang pakialam doon ang kanyang malapit na byenan. “Pasensya na po… pero hindi ko po talaga iyon ginawa.” Sandaling natahimik ang buong sala. Pagkatapos— Tumawa nang mapang-insulto si Donya Octavia sa kanya. Isang malamig at nakakatakot na tawa iyon. “Hindi ikaw?” Lumapit ito sa kanya at bahagyang yumuko upang magtama ang kanilang mga mata. “Kung gano’n… gusto mong sabihin na may ibang sumira nito?” Napalunok si Elaina. Hindi siya makapagsalita. Alam niyang kapag may itinuro siyang iba—lalo lamang lalala ang gulo.Isa pa kahit ipagpilitan niya na hindi siya ang may gawa,hindi rin namn siya paniniwalaan ng malupit niyang biyenan

