Chapter :5

780 Words
Arkin P OV Hindi siya sigurado kung mahal nga ba niya talaga ito o nadala lamang siya dahil sa sobrang kabaitan na ipinakita nito sa kanya at ng buong pamilya nito sa probinsya. Ngunit hindi naman siya makakapayag na hamakin ito ng ibang tao. Hindi rin niya maintindihan, pero sa tuwing nakakarinig siya ng pang-iinsulto kay Elaina ay nagagalit siya at tila nag-aalab ang kanyang pandinig. Matapos makapagpaalam sa nakabusangot na si Priea, ay agad siyang umuwi ng mansyon. Sinalubong siya ng mayordomang si Manang Erma na busy sa paghahanda ng hapunan. Wala ang kanyang mama at papa. Ang alam niya ay may dinaluhan ang mga ito na isang birthday party. “Good evening, Manang.” “Magandang gabi sa ’yo, iho. Aba, ginabi ka na yata,” saad nito sa kanya. Malalim siyang napabuga ng hangin at saka iginala ang tingin sa buong mansyon. “Yes, Manang. May importante pa kasi akong inasikaso after kong maihatid si Priea.” Hindi niya alam kung ano ba ang pumasok sa isip niya at nagawa niyang magsinungaling sa matandang mayordoma. “Si Elaina po, Manang? Nasaan siya?” tanong niya nang hindi niya makita ang asawa. Agad na itinigil ni Manang ang ginagawang paghahanda at saka malalim na bumuntong-hininga. Kaya naman ay napatingin siya sa mayordoma. Tila may gusto itong sabihin sa kanya. “May nangyari po ba?” agad na tanong niya. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala sa asawa. “W-wala naman. Nasa itaas ang iyong asawa. Baka tulog na rin iyon,” ani nito at muling ipinagpatuloy ang ginagawang paghahanda sa mesa. “Ganun po ba. Sige po, Manang. Salamat.” Ani niya at agad tinungo ang silid nilang mag-asawa. Pag-akyat ni Arkin sa silid ay agad niyang napansin ang katahimikan doon. Madilim ang paligid at tanging ilaw sa lampshade lamang ang nagbibigay-liwanag. Nandoon si Elaina, nakatalikod, tila mahimbing na natutulog. Lumapit siya rito nang dahan-dahan, ayaw niyang gambalain kung sakaling tulog nga ito. Tahimik niyang pinagmasdan ang asawa. Hindi niya napigilan ang sarili at masuyong hinaplos ang maamong mukha ni Elaina. “I'm sorry kung ngayon lang ako nakauwi. I'm sorry kung hindi man lang kita nagawang tawagan. Hayaan mo, babawi ako sa’yo.” Sambit niya sa mahimbing na asawa, at muling tumayo upang magtungo sa CR. Napatigil siya sa pagpasok nang makita niya sa side table ang isang notebook at lapis. Malalim siyang napabuntong-hininga. Ramdam niya ang kagustuhan ni Elaina na matuto.At tutulungan niya ito. DONYA OCTAVIA's POV Pabalang niyang ibinato ang mamahaling bag sa kama. Galit na galit siya. Kalat na-kalat na kasi ang balita na nagpakasal ang kaisa-isang anak niyang si Arkin sa isang mahirap, hindi lang iyon, kundi sa isang babaeng hindi marunong bumasa at sumulat. “Hindi maaari ito, Minandro. Kumakalat na ang katangahang ginawa nang anak mo. Kailangan mapatay natin ang isyu tungkol kay Arkin. Kung magpapatuloy ito at malalaman ng mga tao—lalo na ng mga ka-negosyo natin—ang totoo, at hindi iyon maaari! Pagtatawanan tayo ng mga ka-negosyo natin, Minandro Magiging mababa ang tingin sa atin ng mga tao! At iyon ang ayaw kong mangyari.” Malalim na bumuga ng hangin ang matandang Don, at napailing sa kawalan. “Ano ka ba naman, Octavia? Mas importante pa ba sa’yo ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa nararamdaman nang anak mo? Kung malaman man nila ang katotohanan, wala na tayong magagawa dahil iyon ang totoo.” Mahinahon ang sagot ni Don Minandro sa asawang paroon-parito ang gawa. Kahit pa nga ang totoo, siya man ay namomroblema na rin sa kumakalat na balitang iyon tungkol kay Arkin. Nag-aalala siya na baka makaapekto iyon sa negosyo nila, lalo na sa pagtingin ng mga taong tumitingala sa kanila. Ngunit wala na siyang magagawa. Mas pinili ng anak nila ang babaeng hindi nabibilang sa hanay nila. “No, Minandro, I can’t accept that! Lalo na ang mangmang na babaeng iyon — no! Hindi ako makakapayag na manatili siya rito! Kailangan niyang mawala sa buhay natin, lalo na kay Arkin. Hindi ako makakapayag na ang isang hampaslupa at mangmang na iyon ang magiging ina ng magiging apo natin! Tingnan mo nga, kahit simpleng letra man lamang ay hindi niya kayang basahin. Ni pangalan niya hindi kayang isulat!” Ani Donya Octavia na hindi naitago ang labis na pag-ayaw kay Elaina. Hindi niya alam kung ano ba ang nakain ng kanyang anak at pumatol sa isang mangmang na kagaya ni Elaina. Walang-wala ito sa kalingkingan ng dating kasintahan ni Arkin na si Priea. At hinding-hindi siya makakapayag na ang mangmang na iyon ang habang-buhay na magiging asawa ng kanyang anak. Gagawin niya ang lahat upang mawala ito sa mga landas nila — lalo na kay Arkin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD