So, after kong gawin ang morning ritual ko, bumaba na ko para magbreakfast. Nakita ko sina Mama na naghahanda na ng pagkain at si Papa na nakikinig ng preach ng pastor sa radyo.
'Gising ka na pala anak, tara na, kain na tayo, gigisingin ko lang mga kuya mo prepare ka muna ng mga pinggan at inumin natin para pag nakababa na sila, handa na ang lahat' sabi ni Mama
Sige po ma, at umakyat na si mama para gisingin sina kuya Isaac at David, by the way ako po pala ay bunso sa apat na magkakapatid. Panganay si kuya Abraham, 29 years old at kasal na kay ate Sarah at may anak na sila na lalaki si Samuel cutieee