"Haduf," mahinang usal ko dahil sa gulat. Napatakip ako sa aking tenga dahil sa matinis na boses ni Percylla na pumaimbabaw sa dining hall namin. Pakiramdam ko ay wala talagang matino sa GC agents. Mabuti na lang at minsan lang kami magkita-kita rito dahil baka tuluyan na akong na nabingi. "Marci, samahan mo ako," bungad na saad nito habang nagpapa-cute pa sa isa. "Saan?" tanong naman ng isa. "Sa office ni Ashmer..." "Tantanan mo ako, Percylla. Wala ako sa mood para harapin ang robot mong boyfriend. Baka mapaaway ako sa ganito kaaga," kaagad nitong tanggi. Pinigilan ko na lang na mapailing. Hindi lang naman ako ang may problema sa love life kundi maging ang mga ito rin. Life is complicated. Seriously. Napanguso naman si Percylla at napatingin sa akin na para bang nanghihing

