"Nay Yolly, may mga damit po ba dito si Ate Hera na pwede kong hiramin?" "Ay meron iha, halika sa second floor doon sa master bedroom" sagot sa kanya ng katiwala ng kaibigan Pamanhik sila sa second floor at tinugo.ang master bedroom. Pumasok si Nay Yolly sa isang kwarto para kunin ang susi ng master bedroom. Nilagay ni Nay Yolly ang susi sa knob at ipinihit ito para buksan ang nasabing Kwarto. Napanganga si Daphne sa interior ng kwarto. Everything speaks wealth and style. "Halika ka iha, tignan mo nalang sa walk in closet na iyan kung meron magkasya sayo, pero sa tingin ko meron magkapareho lang ata kayo ng katawan ni Marie" "Marie?" Nakakunot niyang sabi "Si Marie ay...si Heramarie, si Ate Hera pero mas gusto ko siyang tawagin na Marie kesa sa Hera" nakangiting sabi ng matanda "ma

