Episode 4

696 Words
Bakit naman sa lahat ng makakasalubong ko, sya pa! Pero ayos lang din pala kesa co-teachers ko.. "Pero hindi parin eh", sabay kamot ko sa ulo ko. "Dapat ba sinapak ko sya? o dapat sinabi ko na buntis ako?" Haaaayyyy "teka teka? Buntis ako?" huh??? nang maisip ko yun ay naalala ko kaya nga pala ako lumabas ay upang bumili ng PT at tignan kung totoo ngang buntis ako .. Pumasok ako sa banyo at sinubukan ko na ang tatlong PT. Pinatakan ko ang bawat isa at pinikit ang aking mata at humiling na sana lahat ay isang linya lamang. Maya maya pa ay idinilat ko na ang aking mata , isa isa kong tinignan ang resulta. Unang PT, dalawang linya Ikalawang PT, dalawang linya Ikatatlong PT, dalawang linya .. "Patay na, wala na kong ligtas" sumisigaw ako sa aking kaloob looban .. gusto kong mag wala at ihagis lahat ng gamit sa aking bahay kaso ayokong mag ligpit kaya naman, para akong baliw na sumisigaw pero walang boses at inihahawi ang mga gamit ng dahan dahan upangg konti lamang ang aking liligpitin. "Ano ng gagawin ko?" "Ano ang sunod kong dapat gawin?" "Paano na ako? paano ang trabaho ko?" "Aamin ba ako sa nagawa ko at mag mamakaawa na huwag tanggalin sa serbisyo?" Di ko na alam ang dapat kong gawin. Humiga ako at nag takip ng kumot. Madidismaya ko ang buong pamilya ko, anong gagawin ko. Nag umpisang tumulo ang luha sa aking mga pisngi at tuluyan ng nakatulog sa sobrang pag-iyak. ----- Sumunod na araw, napag isipan ko na puntahan ang lalaking iyon kung saan ko sya unang nakita. Kailangan ko syang panagutin.. Hindi pwedeng ako lang ang namomroblema. Kasalanan nya to eh! One night stand lang walang anakan.. Hindi porket magaling sya ay ..... teka, ano nanaman iniisip ko? erase, erase! galit tayo dito, galit !! Magbabayad sya! "Sino bang hinahanap mo bes?" tanong ni Kian "Di ko kilala eh, pero basta di sya purong pinoy. Matangkad tapos ang kulay ng buhok nya ay parang light brown o parang yellow basta ganun . Basta tisoy" Biglang tumawa si Kian. "Bes, alam mo bang karamihan ng investors namin dito ay mga dayuhan? Lalo na kung ang sinasabi mong araw na nakita mo sya ay yung ika 50th anniversary ng kumpanya, hindi kita matutulungan." aniya "huh? bakit naman hindi?" tanong ko "bes, malaking event yun para sa kumpanya. Kaya lahat ng investors at friends ng may ari nitong kumpanya ay nandirito. Napaka imposible ng gusto mong gawin. At tsaka bakit mo ba hinahanap ang taong iyon? may ginawa ba yun sayo? sabihin mo saakin" nag iba ang itsura ni Kian at parang seryoso na sa pagkakataong iyon. "h-hindi, wala bes. ano ka ba? Na-kyutan lang ako sakanya. hehe" pagsisinungaling ko, kahit halata namang hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit kailangan kong makita ang taong iyon. At tsaka anong "kyut?" ewwwww..... as if naman mahuhulog ako sa malalaki at malalapad nyang mga braso, sa brown nyang mata at buhok. Tsaka napaka tangkad nya para saakin . No, no! ----- Lumipas ang mga araw na hindi ko nakita ni anino ng taong iyon .. May lahi atang kabute ang lalaki na iyon , bigla bigla sumusulpot bigla bigla din namang nawawala .. Hay , halos araw araw ay hinahatiran ko ng pagkain si Kian, pero dahilan lang iyon upang makapunta ako sa opisina nila .. Nakikita ko na rin sakanya na nag tataka sya sa inaasta ko, pero anong magagawa ko? kailagan kong makita ang taong iyon .. Waaaaa!!! Di kaya multo yun o enkanto? Pero hindi, nabuntis ako eh. Eh? nakakabuntis din pala ang enkanto diba? baka maging kalahating tao, kalahating enkanto ang anak ko? "Wag naman sana" sabay cross finger ko. *pluck* may bumatok sakin. Pagtingin ko ay si Kian . Sinamaan ko sya ng tingin .. "anong pinag gagawa mo bes? hindi na maganda ang nararamdaman ko sayo ah?" sabi niya .. "Wala yon, wag mo na lng akong pansinin. Hehe" sarkastikong sambit ko .. Siguro nga di ko na makikita ang taong iyon .. Susuko na siguro ako. Bahala na kung anong mangyayari saakin, lalo na sa trabaho ko ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD