Papasok na ako sa eskwelahan at napag pasyahan ko na aminin na ang pinag dadaanan ko ngayon. Bahala na kung anong magiging parusa nila para saakin .. Kung matanggal man ako siguro naman kahit papaano makakahanap ako ng ibang school pagkatapos ko manganak o baka ibang trabaho na lang. Basta ang goal ko ay maalagaan ang magiging anak ko ..
---
Pag dating ko sa school ay nag asikaso na ako para aking pagtuturo, mamaya na lamang ako mag tutungo sa opisina ng paaralan pagkatapos ng aking pagtuturo.
---
Pagtapos ng aking pagtuturo ay oras na upang pumunta ako sa opisina, dahan dahan akong nag lalakad dahil nanghihina ako kung anong magiging desisyon nila para saakin. Kinatok ko ang pinto bago ako tuluyang pumasok sa loob.
"Yes Ms. Yna? I heard you want to talk to me? What is it all about? Is there any problem?" pagtatanong ng aming punong guro
"Yes, ma'am the truth is, " tumingin ako kay mam at pumikit
"I am pregnant" nakapikit ako ng sinabi iyon kaya di ko nakita ang reaksyon ni Mrs. Santiago
"What?" tanong nya na pataas na boses
Narinig kong biglang bumukas ang pinto at may nag salita
"Yes, she is pregnant. And I am the father.."
napatingin ako sa nag salita, anong ginagawa nya rito? tumingin ako sakanya ng may pagtataka ngunit ngumiti lamang sya saakin
"What's happening?" Pagtatanong ni Mrs. Santiago
"No, nothing. It's just that she was just shy about telling you the truth" mahinahon nyang pag sasalita
"What truth?" tanong ni Mrs. Santiago
"That she has a boyfriend and that she's pregnant. And by the way? Did I told you earlier that we are getting married?" bigla syang ngumiti na parang maamong tupa
Napatingin ako sakanya dahil sa mga pinagsasabi nyang mga kasinungalingan
"ohhh, by the way. Who are you again?" pag iintriga ni Mrs. Santiago
"Oh, I'm sorry my bad. I am Nicholas Miller. You can call me nikko" nakangiti niyang sabi
Nikko? Nicholas .. yun pala ang pangalan nya
"Nicholas Miller?" biglang tumayo si Mrs. Santiago sa kanyang kinauupuan
"Nice to meet you sir" parang biglang bumait si Ma'am . pagtataka ko
"Ms. Yna, bakit di mo naman sinabi saakin na boyfriend mo pala itong si sir Nicholas" ang laki ng ngiti ni Mrs. Santiago kaso parang pilit??
"Just call me Nikko Ma'am" sagot nya
anong meron? nagtataka talaga ako kung paano sya nakilala ni mam
"Thank you nga po pala sir sa mga donations nyo, napakalaking tulong po ng mga ito saamin. Ngayon ko lang din po kayo nakita, napaka ganda nyo po palang lalake" aniya ng may napakalaking ngiti sakanyang bibig
hmpp. Gwapo ba yan, sabay taray. tsaka anong dinonate? Teka, Nicholas Miller? Nicholas Miller???!! Sabay todo lingon ako "Nicholas Miller!?" napalakas ang bibig ko dahilan ng pag lingon nila sakin
nagtatakang tumingin si Mrs. Santiago
"Yes, babe? Why? Is there any problem?" tanong nya
"ah-haha, wa-wala, wala hehe" babe, babe? babe mo mukha mo!
kung nag tataka kayo kung sino sya. Sya lang naman ang pinaka malaking nag i-sponsor sa school namin. Di namin sya kilala. Anonymous kung baga pero napakarami nyang ibinigay sa aming school kaya naman ganyan ngayon umasta si mam .. Nagtataka na talaga ako dito kay Nicholas Miller na to eh, sa lahat ng school dito pa talaga? Posible nga kayang nag kita na kami dati? naalala ko lang yung sinabi nya nung unang nagkita kami
"You really don't know how I've longed for you"
Sino ka ba talaga?
---
Sa haba haba ng usapan nila, inikot pa ang buong school upang ipakita kung saan nailagay ang mga naibigay nyang gamit ay natapos din sila sa wakas.
"We have to go Ms. I think my girlfriend is already tired" sambit nya . utot mo! di ako mahuhulog sa mga ganyan mo! hmp.
"No problem sir. But if you have time, you are very welcome to visit here again" sabi nya ng may malaking ngiti
"Oh, that's good to hear. Is it ok if I came here more often?"
"well, yes of course sir!"
visit again? here? anong plinaplano mong amerikanong hilaw ka!