Episode 3

673 Words
"Bes sorry, nasaan ka na ba?" si kian sa Telepono "Huwag mo na ko hanapin, di na ko babalik diyan, pagkatapos mo ko isama diyan iiwan mo lang din pala ako, di mo alam ang mga nangyari saakin!" galit na galit kong sabi. "ano ba kasing nangyari? nasaan kana ba bes? sorry na" - kian "Wala.. Basta!" binabaan ko na rin sya ng telepono. Pagod na pagod ako. Matutulog na muna ako. Sa dami ng mga bagay na nangyari sa akin ngayong araw na di ko inaasahan, deserve ko ang magpahinga at wag ng alalahanin pa yon .. habang ako ay nakapikit Bumalik ulit sa ala-ala ko ang pangyayaring iyon .... "Haaaaaaaaaaaaaaaaaa" sigaw ko habang nakatakip ang unan sa aking bibig. Sabi ko wag ng alalahanin pero di talaga matanggal sa isip ko. Yung mga oras na yun, sobra ang pag ingat nya sa pag hawak saakin parang iniiwasan nyang masaktan ako. Yung mga oras na yun ... haaaaaaaaaaaaaa!!! Tama na, tama na self! Isa lang yung pagkakamali, tumigil kana!!!! Dahil lahat yun kay Kian, galit ako kay Kian! Oo galit, galit talaga ako sakanya.. Huhuhu "Dahil kay kian nakaranas ako non" haaaaaaaaaaaaa! Yun na ba ang tinatawag na one night stand? Tama, one night stand lang yun. Isang beses lang yon at di na mauulit pa. Hindi kami mag kakilala at malabong magtagpo muli kami. At hindi nadin pwede dahil pagnagkataong malaman sa boong school ang nangyari saakin ay maari akong matanggal at masibak sa serbisyo. Isa pa naman akong guro, Oo tama. Isa akong guro at pinagbabawal saamin yon. ----------- Makalipas ang ilang araw ay balik sa normal ang aking buhay. Gigising ng maaga, papasok sa eskwelahan uuwi ng hapon, mag gagawa ng lessons ko para sa susunod na araw at matutulog pag dating ng gabi. Ganun lang ang buhay ko araw-araw. Tuwing Weekends naman ay bihira lang din akong lumabas kasi wala naman akong pupuntahan at mas nag eenjoy akong magpahinga at kumain ng kung ano-ano habang ako ay nanonood sa aking kuwarto. Maya-maya pa ay nakaramdam ako nang pagkahilo at tila ako ay nasusuka ng binuksan ko at naamoy ang aking paboritong junk food na palagi kong kinakain tuwing nanonood ako ng movies. ano ito, panis ba ito? bakit ang baho? ang sakit sa ilong .. Itatapon ko na sana ang pagkaing iyon ng napahinto ako. "paborito kong pagkain? panis? sira? mabaho?" ang tagal kong nakatayo roon at nag iisip ng mabuti. "teka, teka .. nasusuka ako sa paborito kong pag kain. Nahihilo nasusuka...." kinakabahan ako .. "anong araw na ngayon?" sabay takbo kung nasaan ang kalendaryo "10 na? Hindi parin ako dinadatnan." ako ay nagkakaroon tuwing katapusan ng buwan, ilang araw na akong delay .. dahan-dahan akong napaupo sa sahig .. Lagot na -_- Anong gagawin ko.. Kailangan kong makasigurado. Nagbihis ako at nagsumbrero. Sa malayong lugar ako bibili ng Pregnancy Test kit dahil baka may makakita saakin at ichismis pa ako. Hinayaan ko lang ang jeep sa pag andar, hanggang sa alam kong malayo layo na ang narating ko at hanggang sa nakakita ako ng isang pharmacy ay pumara na ako at naglakad papasok ng pharmacy. buti na lang ako lang ang tao sa loob ng mga oras na iyon. Tatlo ang kinuha kong PT upang makasigurado at habang binabayaran ko iyon sa kahera ay may biglang pumasok sa store. "Miss pakibilisan" sambit ko, dahil nahihiya ako sa aking binibili. Pagkabigay na pagkabigay nya ng aking sukli ay nag madali na akong lumabas. Nakayuko akong nag lalakad dahil baka nakita nila ang binili ko, di ko na sila tinignan pa dahil nahihiya talaga ako ng sobra. Nang bigla akong may nakabungguan at nahulog ang aking pinamili. Dinampot nya ang maliit na paper bag at iniabot saakin . Buti hindi nagkalat ang PT na binili ko. Salamat at di nya nakita. "S-salamat" sambit ko. Tatakbo na sana ako palabas ng hawakan nya ang aking braso. "You..." napatingin ako sa taong nag salita "i-ikaw nanaman" O_O sa pagkabigla ko ay tinapik ko ang kanyang kamay at tumakbo na papalabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD