Tok! Tok! Tok!
Sunod sunod na kalabog mula saaking pinto. Mukhang Nakakaramdam ako ng masamang aura. Tumayo ako upang buksan ang pintong kanina pa nag-iingay.
pagbukas ko ay bumungad si Kian na seryoso ang mukha.
"Spill the tea!" bungad nya
"anong spill the tea? Wala!"
"Shaina Carlos Velchez! Di mo na ko mapagtataguan pa! Hindi ako mahinang nilalang upang di makaramdam na there is something between you and my boss!" Pagdiriin nya
"Hayy" buntong hininga ko
"ayy? ang lalim nyan ah? ano ba talagang meron?" di na sya mapakali
"buntis ako" diretso na climax para di na sya mabitin pa
"oh tapos?" nagkatinginan kami .. maya maya pa ay biglang lumaki ang mata nya at napatayo
"buntis ka!!! huhh??" gulat na gulat ang bakla
"sino ang gumawa sayo nito? sabihin mo sakin? bakit di mo agad sinabi saakin! kailan pa ito?" makikita ang pag aalala sa kanyang mukha
"Mahigit isang buwan na, halos dalawang buwan na rin" nakangiti kong sinabi
"sinong ama? sino sya? paanong nangyari ito? pinilit ka ba nya? sinaktan ka ba nya? sino yun Shaina!! Alam kong di ka papayag ng basta basta kaya alam kong pinilit ka nya! Shaina mag salita ka!" May galit na sa tono nya
napapaisip ako, tama si Kian di ako napayag basta basta kasi may mga naging jowa ako na gusto din agad nasa climax kaya nakikipag hiwalay ako. Pero ito, di ko kilala pero pumayag ako at eto ako ngayon buntis. napapailing na lamang ako
"ano ba Shaina! Tara na mag punta na tayo sa pulis, dapat mahuli na ang tao na yan agad agad!" tumayo sya at akmang hihilahin ako
"sigurado ka ba?" tanong ko
"oo naman, kaibigan kita at di ako papayag ng ganituhin ka nila kahit sino pa yan! walang pwedeng umapi sa bespren ko!" galit na galit na sambit nya
"talaga?" tanong ko pa
"di mo na kailangang itanong yan! tara na!"
"kahit mawalan ka ng trabaho ayos lang?" seryosong tanong ko
"hindi naman ako mawawalan ng trabaho, di naman ako umabsent. Kakauwi ko nga lang diba tapos dumiretso ako dito? bukas papasok din naman ako. Hindi ako mawawalan ng trabaho kaya halika tumayo kana dyan! sino ka kasi yang lalaki na yan? makita ko lang talaga siya, kahit bakla ako sasapakin ko sya!" akmang hihilahin muli ako at nakikita kong galit na talaga sya
"ang boss mo" sagot ko
"ang boss ko?" ulit nya pa
"ang boss ko ang alin?" biglang lumaki ang mata nya na tila gulat na gulat
"ang boss ko ang nakabuntis sayo?!!"
"Oo" matipid na sagot ko
"Oh my Ghaaddd! Tama nga ang hinala ko na there' something between you too! pero paano nangyari ito? ni hindi mo nga alam na sya ang CEO ng kumpanya namin?" pagtataka nya
"naalala mo nung anniversary ng kumpanya nyo? hindi ba't iniwan mo ko? Dun ko sya nakita na laging nakatingin sakin" pagkikwento ko
"oh tapos?" said nya
"tapos ayun, nag banyo lang ako tapos di ko alam na hinihintay nya pala ako, tapos hinila nya ko papasok sa opisina nya. Tapos ayun"
"Girrlllll! di ka pumalag? di ka umayaw? Shaina?????" pagdidiin nya
"uyy, hindi ah? pumalag ako kaso wala eh. Mas malakas sya tsaka teka? bakit nagagalit ka saakin eh ikaw lahat may pakana nito!?" panunumbat ko
bigla naman nya akong niyakap "Sorry bes, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sayo sana di na lang kita sinama o di sana kita iniwan" mahinahon na boses nya
"ok lang ako bes, nandito na to eh"
"Gusto mo ba kasuhan natin sya? ano bang gusto mong gawin bes? kaya ka ba nag pabalik balik sa kumpanya namin upang hanapin sya?" tanong nya at tumango naman ako bilang tugon. muli naman nya akong niyakap
"hindi na kailangan pa bes, tutal di naman to mabubuo ng siya lang ang may kagustuhan eh? ako din naman ang may kasalanan dahil di ako pumiglas. Masasabi ko rin na kagustuhan ko to. Ang gaga ko no? ahahha pero paninindigan ko to anito na to eh" sabay ngiti sakanya
"Alam mo ba si boss? Wala pa kong nakitang babae na isinama nya sa kumpanya. Napapabalita nga na ayaw ni sir sa babae? kaya nga kala ko dati may pag-asa ako sakanya, charot lang" pag kikwento nya
"sinubukan mo na ba syang kausapin?" tanong nya tumango ako
"kakausapin ko sana sya kaso di ko sya mahagilap. pero ngayon na alam kong boss mo pala sya, parang mas gusto kong lumayo layo dahil baka machismis lang ako na pera ang habol ko kung bakit ako nag pabuntis sakanya, lalo na sabi mo pa na di sya nag dadala ng babae sa opisina nyo"
niyakap nya ulit ako at hinagod hagod ang likod upang damayan ako saaking problema ..
"andito lang ako bes para sayo" nag ngitian kaming dalawa