Episode 5

637 Words
Nagpaalam na ko kay Kian na uuwi na ko, tutal ay busy na raw sya dahil dumating na ang boss nila.. Pro-problemahin ko na lng ulit to mag isa mamaya sa bahay.. Kailangan ko ng mag isip isip ng magandang gawin .. Ano kaya ang maari kong gawin para di ako mawalan ng trabaho at ng maitaguyod ko ang batang nasa sinapupunan ko kahit mag isa lang ako? hayyy .. Habang ako ay naglalakad at napaka lalim ng iniisip ay halos ilan rin ng aking nabunggo .. Humihingi lang ako ng paumanhin para naman di sla ganun magalit saakin .. kung alam lang nila kung gaano kabigat ang dinadala ko .. Di pa naman mabigat si baby sa sinapupunan ko pero yung problema na parating sa buhay ko ay di ko pa alam kung paano ko papasanin isa isa -_-" Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng may mabangga ulit ako, nag sorry lang ulit ako at lalakad lang muli, ngunit di sya tumabi sa daanan kaya naman di ko alam kung paano ako aabante .. "Sorry talaga" tinungk ko ang aking ulo at muling nag salita "excuse me po" ngunit di padin sya umalis dahilan ng pagtingin ko sakanya .. "ikaw nanaman!" napataas ang aking boses at pagkatapos ay may narinig akong sumuway saakin. Tinignan ko kung saan iyon nag mula. Nakita ko si kian banda sa likod nya na may sinasabi at may pabulong bulong na di ko maintindihan. Sinenyasan ko din sya ng "mamaya na" gamit ang aking kamay at ibinaling muli ang atensyon sa lalaking nasa harapan ko ngunit nakita ko syang nakangiti na nakatingin saakin "Anong nginingiti ngiti mo diyan? Ako ba ang tinatawanan mo? Bakit? Mukha ba kong katawatawa sa mata mo? Pwes para sabihin ko sayo! Tigil tigilan mo ang pag lalaro sa mga tao sa paligid mo! wala akong pake kung gaano ka kayaman o kung ano ka man dito sa kumpanya na to! Eh amerikanong hilaw na mahangin ka naman!" ngunit parang wala lang iyon sakanya dahil hindi nag bago ang itsura nya sa kabila ng sinabi ko sakanya .. "Di nya ata ako naintindihan?" mahina kong sabi ngunit mukhang narinig nya dahil natawa ulit sya. Inayos ko ang postura at pananamit ko "nakakabastos kana ah!" sigaw ko maya maya ay nasa tabi ko na si Kian at pilit akong inaawat "bes ano ba? Mag behave ka nga" sambit nya na may panlalaki ang mata "bes uwi kana, mukhang di lang maganda ang araw mo" pinandidilatan nya ako at pilit itinuturo ang daan palabas gamit lamang ang kanyang nanlilisik na mga mata "ayoko nga! di pa ko tapos sa bastos na lalake na to!" "bes! tama na!" Pilit na kong itinutulak ni Kian paalis sa lugar na yun ng magsalita ang lalaking iyon "No, don't stop her. Just let her be" sambit nya at parang napaka aliwalas parin ng kanyang mukha. ano ba to? nang-aasar ba sya? "kilala mo ba to Kian?" tanong ko "Yes, bes. Diba sabi ko sayo bumalik na ang boss namin?" sambit nya "oh tapos?" pagmamataray kong sagot "siya yun" sabay nguso na tila tinuturo ang lalaking iyon "eh, wala akong pake-----" napatigil ako at dahan dahang napatingin sa lalaking iyon na tila tuwang tuwa sa mga nangyayari .. Patay na.. Mukhang nakagawa nanaman ako ng di magandang desisyon sa buhay ko.... Nakuuuu! pag nakikita ko talaga yung lalaki na yun walang magandang nangyayari.. Pero naman palang magandang nangyari. Yungggg ..... O//O kyyaaaa !!! ano nanaman ang iniisip ko, bastos! bastos! bastos! Pero ang iniisip ko ngayon si Kian.. Di kaya sya mawalan ng trabaho dahil sakin? nako wag naman sana. kasi panigurado hanggat di sya makahanap ng trabaho ako ang sasagot sa lahat ng gastusin nya, kaya wag naman sana dahil may paglalaanan na ko ng pera ko ngayon .. Ang magiging baby ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD