Kasalukuyang nakatunghay sa kalangitan si Darius at pinagmamasdanang mga butuin sa langit. Nakalipas na ang mahabang panahon, hindi pa rin niya nalilimot ang nilalang na nagpadama sa kaniya ng tunay na pag-ibig. Ang nilalang na nagturo sa kaniyang kung paano ang magmahal muli. Ang babaeng kahit kailan ay walang makakahigit para sa kaniya. “Iniisip mo na naman ba ako?” Natigilan siya nang marinig ang tinig na iyon. “Darius, what the heck? Nababaliw ka na yata at kung ano-ano ang naririnig mo!” sita niya sa kaniyang sarili saka tinampal ang kaniyang pisngi. Lalo naman siyang naguluhan nang marinig niya ang pamilyar na bungisngis ng isang babae sa kaniyang likuran. Bigla ang pagbundol ng malakas na pagkabog sa kaniyang puso. Ayaw man niyang paniwalaan, ngunit tila may nagsasabi sa kaniyan

