Dadalo sina Joan at Rondgin sa press-con na ipinatawag ni Darius nang araw na iyon. Well ayon sa ex fiance niya ay may interesting interview raw ito ngayong araw with the press. Dahil sa curious sila ng fiance niyang si Rondgin, sa kung anong interesting interview ang sinasabi ni Darius sa kaniya kanina, ay pinaunlakan nila ang imbitasyon nito. Tamang-tama lang din ang naisip ni Darius na iyon para gumawa siya ng eksena. ‘You are so stupid Darius! Inviting me in this press-con will put you, and your company in danger!’ nakangisi pa niyang saad sa kaniyang sarili habang nagpapaayos ng kaniyang buhok. Gusto niyang maging engrande ang kaniyang magiging pagpasok mamaya sa press-con ni Darius. Dapat magandang-maganda pa rin siya kapag humarap sa camera mamaya. Kaya naisipan niyang magpa-salo

