“So how it’s goin’?” tanong ni Rondgin kay Joan nang makapasok na ito sa condo unit nito. Sinulyapan naman siya ng kasintahan saka inihagis ang bag sa kaniya na agad naman niyang nasalo. Naglakad itong patungo sa bar counter upang manguha ng bote wine ay wine glass mula roon, at naglakad muling palapit sa kaniya. Nakangisi ito habang pasalampak na naupo ito sa kaniyang tabi. “Hmmm, it doesn’t go well, but we can make things happen according to our plan,” sagot nito sa kaniya habang nagsasalin ng wine sa mga baso. Iniabot nito ang isang baso sa kaniya bago sumimsim ng alak sa baso nito. “What do you mean that it doesn’t go well? Hindi siya nagbigay ng pera?” salubong ang mga kilay niyang tanong dito habang nakatingin sa dalaga. “You knew Darius, matigas masyado ang taong iyon. Hindi siy

