Chapter 3

1208 Words
Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang pag-iisang dibdib ng Hari ng Planetang Orion, at ang Prinsesa ng Planetang Sirius. Punom-puno ng mga bisita ang kanilang kaharian mula sa iba’t ibang planeta. Nagsidaluhan din ang mga hari’t reyna ng malalapit nilang kaalyado mula sa ibang planeta. “Prinsesa, kinakabahan ako sa gagawin natin,” hindi mapakaling saad ni Glitter sa kanya. “Shhh, ‘wag kang maingay Glitter, baka may makapansin sa atin. Dapat makaalis tayo ng walang nakakahalata. Nasaan na nga pala si Twinkle?” tanong niya dito. “Nasa iyong silid na ang Prinsesa Twinkle,” napalingon sila sa pinanggalingan ng tinig na iyon. “Shimmer!” tawag niya dito. Agad namang lumapit ito sa kanila. Hinawakan niya ang dalawang tagapangalaga niya at ipinikit ang kanyang mga mata. Pagmulat niya ay nasa loob na sila ng kanyang silid. Agad niyang nilapitan si Twinkle na nasa ibabaw ng kanyang higaan. “Shiny!” tawag nito sa kanya. “Twinkle,” niyakap niya ang kanyang pinsan, “Handa ka na ba?” tanong niya dito. Tumango naman ang kanyang pinsan. Nginitian niya ito’t naghawak kamay sila. Nagliwanag ang kanilang katawan at isang iglap lang ay naging magkawangis na sila. Natuwa siya sa kinalabasan ng kanilang ginawa. Isa iyon sa kakayahan niyang gawin, ang magpalit ng wangis. Ngunit iba ang paraang ginamit niya ngayon. Ginamit niya ang kanyang wangis upang makopya iyon sa katawan ng kanyang pinsan. Hindi lang ang wangis niya ang nakuha nito, pati ang kanyang tinig, at ang pagkinang ng kanyang buhok ay nakopya din nito. Kung pagmamasdan ngayon ay siya ang nakasuot ng damit pangkasal. “Twinkle, basta tandaan mo na walang ibang dapat makaalam ng tungkol dito. Mapapahamak tayong pareho kapag natuklasan nila ang tungkol dito,” bilin niya sa kanyang pinsa. “Oo Shiny Star, makakaasa kang mananatiling lihim ang lahat,” tugon nito sa kanya at niyakap na siya nito. “Kung gayon, magtungo ka na sa iyong kasal,” utos niya dito habang sila naman ng kanyang mga tagapangalaga ay nilisan na ang kanilang kaharian. “Ilang sandali na lamang at magiging asawa mo na din ang babaeng may ginintuang buhok. Sa wakas, magagawa mo na din ang nais mo,” anang isang lalakeng katabi ni Rigel sa hardin ng kaharian ng Sirius. “Malapit ko nang maisakatuparan ang aking matagal nang pina-plano,” nakangising saad niya sa kanyang katabi. Ilang sandali pa at nag-uumpisa nang mag-agaw ang liwanag at ang dilim. Nag-umpisa na ding tumunog ang mga kampanilya na hawak-hawak ng mga batang Sirius at Orion. Natanaw na din niya ang pagbaba ng kanyang mapapangasawa. Napangiti siya lalo na ng kuminang ang ginintuang buhok nito. Nakatutok ang kanyang paningin sa prinsesa habang naglalakad itong palapit sa kanyang kinatatayuan. Nakasuot ito ng mahabang puting damit na kumikinang habang ito’y naglalakad. Nang makalapit ito sa kanya ay agad niyang pinakawalan ang makikinang na nilalang na hawak nito. Ito ang hudyat ng pagsisimula ng kanilang seremonyas sa kanilang pag-iisang dibdib. Magkahawak kamay nilang pinagmasdan ang pagtakip ng buwan sa araw. Hihintayin nila ang tuluyang pagkain ng buwan sa araw. Doon lamang sila maidedeklara bilang magkabiyak, kapag nakompleto na ang ritwal na iyon. Kasabay kasi ng pagkain ng buwan sa araw, ay ang ritwal o basbas na ginagawa ngayon ng mga matatandang Sirius. “Prinsesa, handa na ang ating sasakyang pangkalawakan. Handa ka na din ba?” tanong ni Sparkle sa kanya. Muli niyang tinanaw ang kanilang kaharian sa kahuli-hulihang pagkakataon. Nakita niya na nagsasayawan na ang mga bituin sa kalangitan, tanda ito na matagumpay nang naidaos ang pag-iisang dibdib ng kanyang pinsan sa hari ng mga Orion. Napangiti siya’t ibinalik ang atensiyon sa kanyang mga tagapangalaga. “Halina kayo’t lisanin ang ating planeta,” aniya sa mga kasama at lumulan na sa kanilang sasakyang pangkalawakan. Ito ang katatapos lang imbentuhin ng kanyang pinsang si Twinkle. Ayon dito, kaya nitong maglakbay sa buong kalawakan sa mahabang panahon ng hindi humihinto. May kakayahan din itong lumiit at gayahin ang wangis ng kapaligiran nito. Kaya mahihirapang mahanap ito ng sinuman. “Prinsesa, saan ba tayo patutungo?” tanong ni Shimmer ng nasa loob na sila ng sasakyan. “Sa malayong planeta kung saan hindi tayo agad matutunton ni Rigel, sakali mang magkaroon nang suliranin.” Umayos na siya ng pagkakaupo upang maghanda sa kanilang paglalakbay. “Tara na kung ganoon,” ani Glitter saka pumuwesto sa harapang bahagi ng sasakyan. Mahaba-habang lakbayin ang kanilang gagawin. Kaya naman inihanda nilang mabuti ang kanilang mga sarili. Hindi pumayag ang mga tagapag-alaga niyang hindi siya samahan ng mga ito, kung kaya’t gumawa din siya ng mga kawangis ng mga ito upang samahan si Twinkle. Nasisiguro niyang sa mga oras na ito ay maligaya na ang kanyang pinsan sa piling ng lalakeg pinakamamahal nito. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang bagay na iyon kaya nga agad niya itong napapayag sa kanyang plano. FLASHBACK... “Twinkle alam kong matagal ka ng may pagtingin kay Rigel. Kaya alam kong hindi mo ako bibiguin sa aking kahilingan.” Tinungo niya ito sa pagawaan nito ng mga imbensyon nito. Matapos niyang malaman ang tungkol sa nakatakdang pag-iisang dibdib nila ng hari ng mga Orion, ay agad niya itong tinungo upang kausapin. “Sigurado ka ba sa gagawin mong ito Shiny Star?” tanong pa nito sa kanya. “Oo naman Twinkle. Hindi ko nais ang makaisang dibdib ang kagaya ni Rigel. Patawad ngunit hindi ko gusto ang kanyang pag-uugali,” pahayag niya dito. “Hindi ko nga maunawaan kung paano kang nagkagusto sa isang tulad ni Rigel. Masyadong arogante, at bilib sa sarili!” dugsong pa niya sa kanyang sinambit. “Hindi ko din alam ngunit iyon ang nararamdaman ko para sa kanya.” Nakita niya ang biglang paghugis bituin ng mga mata nito. Ngumiti siya’t hinawakan ang kamay nito, “Naniniwala na akong iniibig mo ang hari ng mga Orion. Kung kaya’t alam kong hindi mo ako matatanggihan sa aking hihilingin,” aniya dito. “Pumapayag na ako. Ngunit paano natin isasakatuparan iyon? Magkaiba ang ating mga wangis. Isa pa, ang ating buhok ay magkatulad, ngunit hindi naman kumikinang ang aking buhok nang kahalintulad ng sa iyo,” nag-aalalang saad nito sa kanya. “Naisip ko na ang tungkol diyan. Huwag mo nang pakaisipin pa iyon dahil nakaayos na ang lahat. Tanging pagpayag mo na lamang ang aking hinihintay.” Pinisil niya ang mga palad nito saka tinitigan sa mga mata nito. Huminga ito nang malalim at saka tumango. Dahil sa labis na kaligayahan, nayakap niya ito at nagliwanag sa loob ng silid pagawaan nito. Kapag labis ang kaligayahang nadarama niya, ay hindi din niya napipigilan ang pagliwanag ng kanyang buhok. “Gamitin niyo ang sasakyang ito. Makakatulong ito upang hindi kayo makita ng kahit na sino habang naglalakbay sa kalawakan.” Iniabot nito sa kanya ang maliit na bagay na tila kasing laki lang ng bato. Nagtataka siyang pinagmasdan iyon saka binalingan ang kanyang pinsan. Ngumiti naman ito saka sinabi sa kanya kung ano iyon at kung ano ang gamit niyon. Matapos nilang magpaliwanagan at mag-usap ay agad na din siyang nagpaalam dito. END OF FLASHBACK “Prinsesa Shiny Star, m-may p-problema tayo,” nakangiwing pahayag ni Glitter sa kanya. Ano kaya ang suliraning sinasabi nito sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD