Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Darius sa nangyari sa kaniyang mga pinamili. Hindi niya lubos maisip kung paanong nangyari ang lahat ng iyon. Kaya naman hanggang sa kaniyang opisina ay dala-dala niya ang isiping iyon. Hindi niya tuloy namalayan ang pagpasok ni Denise sa kaniyang opisina. “Darius darling, saang sulok ka ba ng daigdig nagsususuot at hindi kita matagpuan?” tanong nito sa kaniya habang naglalakad itong palapit sa kaniyang kinauupuan. “Denise! What are you doing here?” gulat na tanong niya rito. “Oh come on Mr. Gomez. Ilang lingo na kitang hindi napagkikikita sa mga parties, of course I miss you!” Walang sabi-sabing sinibasib siya nito nang halik sa kaniyang mga labi. Pilit niyang inilalayo ang babae sa kaniyang katawan, at kumalas dito. Tuma

