Chapter 50

1631 Words

Dumalo sina Reyna Glowy at ang kaniyang alima, kasama sina Haring Rigel at ang mga panday sa pagpupulong na ipinatawag ng bagong hari ng planetang Aurora. Maingat silang nagkubli sa isang sulok ng kaharian kung saan ay hindi sila mapapansin ng iba pang nilalang, lalo na ni Artes na ngayon ay isinasalaysay ang tunay nitong pinagmulan. Nagitla sila sa mga sinabing iyon ng bagong hari ng planetang Aurora. Hindi nila inaasahan ang kanilang mga narinig. Anak pala ng dating Hari ang nilalang na nanlinlang kay Rigel noon. “Hindi ako makapaniwalang nalinlang ako ng isang tusong kagaya ng nilalang na iyan!” paghihimutok ni Rigel habang nakikinig sa tabi ni Shiny Star. “Huwag kang maingay Rigel, baka may makarinig sa iyong sinasambit,” saway naman ng prinsesa rito. Napabuntong hininga naman ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD