Napahinto si Shiny Star nang may mahagip ang kaniyang paningin. Nilapitan niya ang bagay na nakita niya at tuwang-tuwang dinampot iyon. Hinaplos-haplos pa niya iyon at niyakap. ‘Maliit na uni!’ sambit niya sa kaniyang sarili. Inilayo niya iyon sa kaniyang sarili at tinitigan iyon. Nagtataka siya dahil hindi ito gumagalaw man lang. Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakitang napakaraming uni roon. Ngunit kagaya ng kaniyang hawak, tila wala ring buhay ang mga iyon. ‘Anong nangyari sa inyo mga uni? Bakit hindi kayo gumagalaw?’ tanong pa niya sa mga ito. Kumuha siya ng apat na uni at nakangiting nilingon si Darius, ngunit paglingon niya rito ay wala na ito sa kinatatayuan nito kanina. Nagpalinga-linga pa siya upang hanapin ito ngunit hindi niya ito matanaw. Naglakad siya at nagbabakas

