Hindi pa rin kumakain si Marcelo kahit anong pilit ni Rachelle na kumain ito. Halos araw-araw na ito naglalasing at hindi niya pinapansin si Rachelle. Hindi na rin siya pumasok sa opisina. "Marcelo kumain ka kahit konti lang. Gumawa ako ng soup para mainitan ang tiyan mo. Sige na please." sinubuan ni Rachelle si Marcelo ng soup ngunit tinabig ito ni Marcelo at natapon. Naiinis na si Rachelle pero pinigilan niya na lang ang kaniyang sarili. "Marcelo, ano ka ba? Ano’ng problema mo? Ikaw na nga itong inaalagaan eh! hindi ka ba napapagod? kailangan ka namin ng anak mo kaya gusto kitang buhayin! patay na silang lahat Marcelo ako na lang ang natitira para sa ‘yo! bakit hindi mo ako kayang tingnan? alagaan kita, gawin ko ang lahat para mahalin mo ako ulit, Marcelo bumalik ka na sa akin. Wala k

