Namumula pa rin ang mukha ni Rachelle dahil sa hiya, Naiinis siya kay Carla at gustong-gusto niya itong putulan ng dila para hindi na makakapagsalita. “Mercedes, bakit hindi mo na lang tanggalin ang katulong mo lalo na at ganoon siya kabastos? katulong lang siya pero kung magsalita akala niya kung sino na siya? naiinis ako sa kaniya Marcelo maghanap ka ng ibang katulong alisin mo si Carla ayaw ko sa kaniya!” singhal ni Rachelle. “Rachelle mansyon ‘to ni Mercedes, wala akong karapatan na magdesisyon sa kaniyang pamamahay, hayaan mong si Mercedes ang gumawa ng paraan. Hayaan mo na lang si Carla ganoon lang talaga ‘yon.”Saad ni Marcelo. “Mero ka nang karapatan sa kayamanan ni Mercedes Marcelo, kasi asawa ka niya. kung maghihiwalay kayo puwede niyong paghatian ang kaniyang kayamanan kasi c

