"Rachelle anong ginagawa mo? Bakit mo inalis ang picture namin ni Mercedes?" sigaw ni Marcelo. "Marcelo patay na si Mercedes, hindi mo na kailangan ang picture ninyo! Palayain mo na ang puso mo Marcelo!" galit nitong tugon. "Kahit hanggang sa kamatayan Rachelle hindi mawawala ang pagmamahal ko sa asawa ko! At hindi ka dito matutulog, doon ka sa guestroom. Sinong nagsabi sa 'yo na pwede kang tumabi sa 'kin? Mula ngayon wala ka nang karapatan na pumasok dito sa kuwarto ko!" "Marcelo gusto kitang makatabi, miss na miss na kita. Hayaan mong ako ang pumuno ng pagkukulang ng asawa mo." "Pagkukulang? Saan? Namatay ang asawa ko Rachelle at kahit minsan wala siyang pagkukulang sa 'kin! Si lola ang may gusto sa 'yo na dito ka tumira, hindi ako! At ayaw kong nandito ka sa pamamahay ko. Lalo na s

