Nagulat si Marcelo nang biglang tumawag si Rachelle sa kaniya malalim na ang gabi, umiiyak ito at parang lasing nagmadaling bumangon si Marcelo dahil ang sabi ni Rachelle tatalon siya sa building kapag hindi niya ito pupuntahan. Bumalikwas nang bangun si Mercedes nang marinig niya na may umandar na sasakyan sa garahe. Sinlip niya ang kuwarto ni Marcelo, walang tao nagtataka siya kung bakit umalis si Marcelo. Malalim na ang gabi, kinuha niya ang kaniyang cellphone para tawagan niya ito pero meron siyang narinig na nagriring sa kuwarto ni Marcelo. “Naiwan niya ang kaniyang cellphone?” tanong niya sa sarili. Bumalik siya sa kaniyang kuwarto para matulog ulit kaso kahit ano’ng gawin niya ay hindi na siya makatulog ulit. 11:00 pa nang gabi, pinilit niyang ipikit ang kaniyang mga mata pero hin

