“Welcome back! Maam Jeremy akala ko nag resign na kayo.” bati sa kanya ni Sunny ng makasalubong nya ito sa may biometric. Abot tenga naman ang ngiti ni Jeremy na gumanti ng bati rito. Masaya sya ngayon araw sa wakas pinayagan na sya ni Yuan na pumasok. Ngayon daw kasi mag baback to normal uli ang production. Pumayag pa rin ito na GA assistant pa din sya pero lahat daw ng outside work gaya ng mga OB trip nya may ihihired na daw itong bago. Gusto daw nito na nasa hr lang sya at nakikita sya araw araw. Muntik pa sya nitong hindi payagan dahil nakiusap sya rito na wag sabihin sa company na mag asawa sila. Hayaan nalang na alam ng lahat ay may nobyo sila at mag karoon ng lover’s quarrel kaya kinailangan nyang umalis. Naging usap usapan rin kasi ang pagkakahuli sa kanya ng pulis sa company. Gus

