“Ma’ please.” pakiusap ni Yuan sa ina pilit pilit itong pumayag na sumama sa Pilipinas para hingiin na nila ang kamay ni Jeremy pero ayaw ng ina. Malinaw naman nitong sinabi na hindi ito tutol sa kasal nila kung gusto nya pero hinding hindi daw ito haharap sa parents ni Jeremy. Tinatanong naman nya kung bakit pero ayaw naman nitong sabihin at mukhang alam din ng papa nya ang dahilan pero ayaw din mag salita. Halos mahigit 1 week na syang nag papabalik balik sa calamba to Quezon sa pag babakasakali na makita si Jeremy pero hindi nya talaga ito makita. Nag babalak na syang mag hired ng tao para hanapin ito pero kailangan muna nyang ma convince ang parents nya na maisama sa pilipinas para sa pamamanhikan nila kila jeremy. “Parehong pareho kayo ng kuya mo. Ganyan na ganyan din sya kakulit

