METRO MANILA, PHILIPPINES “Alam ko ang lumalaro sa utak mo, Basti!” inis na sabi ni Martha habang palakad-lakad sa loob ng kwarto nila. Hindi niya gusto ang nakitang interes sa mga mata nito para kay Julianna Agosti. Nang personal na makilala nila ito ay hindi niya akalain na ito at ang sikat na fashion icon ay iisa. Akala niya ay magkapangalan lamang ang mga ito o maaring ginagamit lang ng mafia queen ang pangalan na Julianna Agosti para maitago ang tunay na pagkatao nito but she was surprised when she learned na ito at ang celebrity na pinagkakaguluhan lagi ay iisa. She was a very beautiful woman pero kanina habang kaharap niya ito ay gusto niya manliit sa pakiramdam na balewala siya kumpara rito at lalong hindi niya nagustuhan nang sabihin ni Basti na wala silang relasyon maliban sa

