Tagaytay City, Philippines Namamasyal sila ni Allejo nang bigla itong huminto sa paglalakad kaya nahinto na rin siya. May tumatawag sa phone nito at sigurado siyang si Rex iyon. Ang totoo ay nagtataka siya kung bakit kapag tumatawag si Rex ay kailangan agad sagutin ni Allejo, kahit kumakain sila basta tumawag si Rex ay agad nitong sinasagot ang tawag. Nagtataka na siya dahil tila kontrolado na ni Rex ang buhay ni Allejo. Kausap pa rin ni Allejo si Rex nang lingunin siya nito at ituro sa kaniya ang isang restaurant, naunawaan naman niya ang ibig nitong sabihin at tumango rito. Naunang humakbang si Allejo papunta sa restaurant habang hila-hila siya nito papasok. Agad may lumapit na waiter sa kanila at ibinigay ang menu ng restaurant sa kanila at sumenyas naman si Allejo sa kaniya at sina

