A week later…
"Sa Manila Hotel gaganapin ang birthday party ni Isabel. Maraming mga bigating negosyante ang imbitado. Mga negosyanteng involve sa illegal businesses ang karamihan."
Rex gave Allejo a signal at lumapit naman ito agad sa kaniya. Kinausap niya ito sa wikang Italian at iniwan na sila ng kausap niyang imbestigador. Hindi siya komportable na makipag-usap sa wikang Filipino na nakatingin si Allejo at ang ibang mga tauhan.
Allejo heard him talking in Filipino language at nagtataka man siguro ito kung bakit marunong siya sa wikang iyon ay hindi naman ito nagtatanong. The better dahil habang tumatagal ay nahihirapan na rin talaga siya sa padagdag na padagdag na pagpapanggap niya.
Tuluyan na wala na si Allejo sa paningin niya bago muli nyang ibinalik ang atensyon sa kausap.
"Illegal business? Bakit may mga kaibigan si Martha na involve sa illegal na mga gawain?" curious na tanong niya. Ang negosyo niya bago siya napunta sa katawan ni Rex Pellegrini ay matatag na at kung maayos iyon na natutukan ni Martha ay siguradong hindi na ito maghihirap. But definitely, Martha and Basti let his business go to bankruptcy sa ginagawa ng mga ito or probably they were just using his company all along to protect their illegal businesses.
"You asked me to dig more. I found out na si Basti at Martha ay matagal ng may relasyon. Basti is an illegitimate son of Chinese smuggler at dahil gustong mapatunayan ni Basti ang kakayahan niya sa ama ay gumawa ito ng paraan para kilalanin nito. He started to build his own syndicate and used Martha to lure rich men. Si Martha ang ginagamit para mang-akit at makapanloko ng mga mayayamang lalaki. They are both after the money at para mapagtakpan na rin ang illegal nilang gawain," imporma nito sa kaniya na mas sabihin na kinumpirma lang ang hinala niya.
"What illegal business are they into? Sinu-sino ang mga contacts nila?"
"White s*****y. Human trafficking. Drugs. p**********n ang pinaka-pinagkukunan nila ng malaking kita dito sa Pilipinas. May mga malalaking isda rin silang boss na sa ibang bansa naman ang operation. I discovered na may mga contact sila sa underground na kumukuha rin sa kanila ng babae. Nasa black market ang mga connection nila.”
Rex nodded his head while thinking. He definitely needed the help of Julianna Agosti right now. The Agosti's clan always deals with human trafficking. He needs Julianna so he could penetrate the operation of Martha and Basti na nasa Pilipinas.
Pwede naman siyang manggulo pero may rules ang mafia. Bawal mangialam sa negosyong hindi sa iyo, they are into guns and drugs but not human trafficking. Hindi niya basta pwede tibagin ang sindikato nina Martha at Basti sa Pilipinas hangga’t hindi niya alam kung sino ang koneksyon ng mga ito dahil baka mamaya ay konektado rin pala sa kanila. Aalamin na muna niya bago aalukin ang kung sino man na mga boss nito na makipag-deal sa kaniya. Ang mga Agosti ang puwedeng makatulong sa kaniya sa ngayon. By thinking of that, he needs to talk to Julianna.
"Illegal businessmen are interested with Isabel Alfonzo. A rumor said that there would be a bidding too after Isabel's birthday. Mukhang gagamitin lang ang birthday ni Isabel para pagtakpan ang illegal na transactions nina Martha at Basti sa gabing iyon."
Rex didn't let his composure down. His controlled emotion showed nothing kahit narinig niya pa na planong ibenta nina Martha at Basti ang kapatid niya. Huminga lang siya ng malalim para makalma. He nodded to the investigator as a sign that he was dismissing him and then give the money he promised for the investigator’s hard work. Nagpaalam na ito at sinabi naman niyang kapag may bago pa itong nalaman ay agad mag-report sa kaniya.
Nakaalis na ito nang pumasok si Allejo at lumapit sa kaniya. Ang isip niya ay nasa kapatid na si Isabel, iniisip kung paano niya lalapitan ang kapatid na hindi ito matatakot. Hindi siya kilala nito. He missed his sister at gustung-gusto na niya ito makaharap at makausap na muli.
Ang nasa isip niya ay kung paano mababawi ang kapatid at kung paano madudukot ang kapatid ni Martha na si Mirabella Ocampo, iyon ang pangalan ng kapatid ng babaeng kinasusuklaman niya na kailangan niya gamitin sa paghihiganti niya. Iniisip niya pa ang mga plano nang matigilan siya habang nakatingin kay Allejo. Why not?
"What?" Nagtatakang tanong ni Allejo sa kaniya dahil nakatitig siya dito.
"Can you do me a favor?" sabi niya rito kapagkuwan, natutuwa sa naisip. Mukhang mapapadali ang plano niya na maimbitahan sila sa birthday ng kapatid niya. By looking at Allejo ay alam na niya ang gagawing hakbang.
ALLEJO FROWNED. Iniisip niya kung tama ba ang narinig mula sa boss niya, na humihingi ito ng pabor mula sa kaniya. Lagi kasi itong nag-uutos pero hindi humihingi ng pabor. Rex Pellegrini never needed to asked favor pero ngayon ay iyon ang ginagawa nito.
“What about?” tanong niya. Nagtataka sa inaasal nito pero mas mabuti na ang alamin niya agad kung ano ang pabor at baka buhay na naman niya ang manganganib sa sinasabing pabor nito.
"This is not dangerous like the tasks you used to do before. I just want you to use your 'godly' looks so we could be invited to Isabel Alfonzo's birthday party next week,” sabi ni Rex sa kaniya.
"Isabel?" Kunot-noong tanong niya. Iniisip kung may babae ba ito na alam niyang may pangalan na Isabel pero wala siya maisip. Ang alam niya ay wala itong basta babaeng kinukursunada, curious na tuloy siya sa binanggit nitong pangalan na Isabel.
"Her," sabi ni Rex sa kaniya at ibinigay ang larawan ng babaeng may ngalan na Isabel.
"Ahh... This pretty girl," sabi niya at mabuti na lang at naalala niya na girl ang term na gamit ni Rex sa babae. Mahirap na magkamali at baka kapag masabi niyang napaka-hot ni Isabel Alfonzo ay magalit ito sa kaniya. "What is your plan?" tanong niya pagkatapos mapangiti sa nakikitang maamong mukha ni Isabel na nasa larawan.
"Just do anything so you could be her friend and be invited on her birthday. You are famous and probably you could use that 'godly' look you have and probably Isabel will like to be friends with you."
Allejo smirked on that. His boss in his own opinion is hot as hell as he is. Kung kailangan ang mang-akit ay kayang-kaya ng boss nito gawin iyon at hindi na kailangan iutos pa sa kaniya.
"So you rely on my looks now?" he was grinning asking Rex.
"Don’t fish for compliments, Allejo Just f*ck off and do what I say. Just do something to be friends with Isabel and I will give you the sports car of mine in Italy that you wished to have ever since."
"I think I like this task now," nakangiti na sabi niya habang ang nasa isip ay ang limited edition na sports car nito na noon niya pa sinasabing gusto niyang bilhin pero naunahan siya nito. Nakakaloko siyang tumawa sa harap nito dahil naisip na hindi naman niya pala kailangan gumastos pa at mapupunta rin sa kaniya dahil lang sa may kursunada ang boss niya na babae at mukhang hindi lang marunong manligaw.
Natatawa pa rin siya at nakita naman niya ang paniningkit ng mga mata ni Rex habang nakatingin sa kaniya. Nakita niyang may dinampot itong baso at mabilis na ibinato sa kaniya. His trained reflexes made him move fast para iwasan ang baso.
"Stop that or else you'll damaged my face," pang-aasar pa niya rito at mabilis na lumabas na ng kwarto nang mapansin na seryoso na ang mukha ni Rex at parang napipikon na sa kakatawa niya. Lumabas na siya ng pinto at baka kung ano pa ang masayang na gamit kapag muli itong may dinampot para ibato sa kaniya.
Nakalabas na siya nang maisip ang utos ni Rex, nagtataka pa rin siya sa obsesyon nito kay Isabel Alfonzo at sa planong madukot si Mirabella Ocampo. Wala naman siya karapatan magtanong kaya gagawin na lang niya ang trabahong inaatas nito sa kanya.
Rex could be bossy but he is his boss anyway at kapag ito na ang hari ng Pellegrini’s mafia clan ay siguradong malaki ang maitutulong nito sa kaniya para makapaghiganti sa mga taong naging dahilan ng maagang pagkamatay ng mga magulang at mga nakatatandang kapatid niya.
WALA NA SI ALLEJO SA PANINGIN NIYA nang muli niyang damputin ang larawan ng kapatid niya. Isabel was smiling sweetly in the photo at kamukhang-kamukha ito ng mommy nila. She grown up so beautifully at kaya pala kinukupkop ito ni Martha ay hindi lang dahil sa mga ari-arian na nasa pangalan nito kung hindi dahil gusto rin pala ito gawing negosyo ng mga walang hiyang nanloko sa kaniya.
Hindi na nakontento ang mga ito sa nangyari sa kaniya at hindi na makontento makuha ang lahat ng mayroon siya, pati ba naman si Isabel ay pinag-iinteresan pa ng mga ito ipahamak.
Ibinaba niya ang larawan ni Isabel sa ibabaw ng mesa at dinampot ang larawan kung saan makikitang kasama nito ang kapatid ni Martha. Hindi maitatangging napakaganda ni Mirabella Ocampo, kapatid lang pala ito ni Martha sa ama at kaya pala hindi magkakulay ang dalawa ay dahil Australian ang ina nito. Martha was exotically beautiful with her honey-colored skin but Mirabella was mestiza.
Napangiti siya sa naisip. Sa birthday ni Isabel ay ipapagawa na niya ang unang plano, ipapadukot niya si Mira para may magamit na siya laban kay Martha.
Kapatid sa kapatid tayo, Martha!
3 days later...
Nasa loob ng kotse si Allejo at nasa labas sila ng isang unibersidad. Gamit ang binoculars ay tiningnan niya ang dalawang babae na nagtatawanan. Parehong maganda kaya parehong interesado ang boss niya.
Ang bilin sa kaniya ay kailangan niya kaibiganin si Isabel Alfonzo para maisagawa ang plano ng boss niya na pangingidnap sa babaeng si Mirabella Ocampo. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit ganito ang boss niya kadesidido para madukot ang babaeng may pangalang Mirabella at sa tuwing binabanggit nito ang pangalan ng babae ay galit ang naririnig niya na nakapailalim sa tono ng boses nito at kapag si Isabel naman ang binabanggit nito ay naroroon ang lungkot.
Ilang saglit niya pang sinubaybayan ang dalawang babae habang bumubuo ng plano kung paano malalapitan si Isabel Alfonzo. He sighed. There was something with Isabel na hindi niya maintindihan ang sarili at lagi itong naiisip. Mukhang kailangan na niya ng babae bago pa siya mapatay ni Rex kapag nalaman na nakakaramdam siya ng kakaiba sa kursunada nito. He just needs to befriend her, no more, no less.
“Let’s go!” sabi niya sa kasama nang makita niya ang sundo nina Isabel at Mirabella na palapit na sa mga ito. Sa tatlong araw niya itong sinusubaybayan ay lagi ang mga ito may tagahatid at tagasundo kaya hanggang ngayon ay hindi niya matyempuhan lapitan ang mga ito.
Paalis na sila nang mapansin niya ang naiinis na mukha ni Isabel na pumapalag nang gusto itong alalayan ng isang lalaki para tumayo. Kitang-kita niya na inis itong naglakad habang sinusundan ni Mirabella.
“Brat!” he said with a smirk in his mouth bago tuluyan silang umalis.
“WHAT DO YOU GOT?” tanong niya kay Allejo.
“For three days of my observation, I think I know how to approach the ‘girl’ you are telling me,” nakangiti nitong sabi sa kaniya habang nasa isip kung ano ang plano nito at kung paano isasagawa ang plano bukas kapag nagawa na niyang malapitan si Isabel.
“Make sure that she won’t notice anything to doubt your intention,” seryosong sabi niya rito habang mariin na tinititigan ito. Allejo was a very handsome man at siguradong kahit mataray ang kapatid niya ay hindi nito basta mababalewala ang karisma ni Allejo lalo na at sikat na sikat ito ngayon sa mga social medias dahil sa sunud-sunod na panalo nito sa car racing.
“Yeah, no worries. I will make sure she will invite me on her birthday after that,” nakangiting sabi pa nito sa kaniya.
“Allejo, you can try to flirt with Isabel but don’t overdo it. Just remember that you just need to flirt with her so she would think you are fun to be with and will invite you but as I said, don’t overdo it,” pailalim siyang nakatingin dito habang nagsasalita, mas mabuti na sa simula pa lang ay malinaw na rito ang restrictions.
May tiwala siya sa kapatid niya, hindi ito lumaking liberated at hindi rin ito katulad ng ibang kabataang babae na sa batang edad ay nakikipagrelasyon na, Isabel was a very smart young woman. Takot ito makipagrelasyon basta-basta dahil istrikto siyang kuya nito.
But… but two years had passed na hindi sila magkasama kaya hindi niya alam kung katulad pa rin ba ito ng dati lalo na at ang palaging kasama nito ay ang kapatid ni Martha na sigurado siya na katulad din ito ng nakatatandang kapatid nito. Mirabella Ocampo could be innocent looking but he was sure that she would be dangerous and couldn’t be trusted just like her she-devil sister.
“Don’t overdo it like I can’t touch her?” tanong ni Allejo sa kaniya na dahilan para mabalik dito ang atensyon niya.