Switzerland MIRA WAS AMAZINGLY looking at the green fields of Switzerland. Mas pinili niya na dito siya ipasyal ni Rex. Gusto niya man isama si Art ay hindi talaga ito pumayag. Nang ihatid nila si Art sa mga magulang nito ay tuwang-tuwa pa si Miranda na sinalubong sila at agad na kinuha mula kay Greta si Art. Napanatag na rin siya na iwan doon si Art lalo na at ramdam niya ang pagiging magiliw sa kanila ng mga magulang ni Rex. She felt happy knowing na gusto siya ng mga ito pero ang katotohanan na may asawa si Rex ay dahilan para makaramdam pa rin siya ng guilt. “Ano na naman ang iniisip mo?” tanong ni Rex sa kaniya sabay abot ng baso ng fresh orange juice sa kaniya. Iling ang isinagot niya at pilit na ngumiti na lamang. Ayaw niya masira ang mood nila dahil lang sa mga gumugulo sa is

