Chapter 11 Allison’s POV Bumalik lang ang tamang bilis ng t***k ng puso ko nang makaupo na ako. Sav can’t stop praising this man while all I had in mind were curses. Nakakabingi ang tilian ng mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko nga nabasag na ang eardrums ko. Wala man lang nagrereklamo at lahat sige lang sa pagsigaw? Hindi ba sila napapagod sa pagtawag sa pangalan ni Justin gayong hindi rin naman sila mapapansin nito? Well maybe I just can’t see what they saw in him. “CR lang ako ah… kita na lang tayo sa labas,” sabi ko kay Sav kahit na parang wala siyang narinig. Halos mangisay na siya sa tabi ko nang i-announce ng host na pwede nang pumila para sa meet & greet. Ako naman ay nakahinga na ng maluwag dahil tapos na ang event. Sobrang dami ng tao rito, mahigit isang libo siguro. Isa-

