Chapter 26 Justin’s POV “Congratulations Sarah Gomez! Ikaw ang-” I immediately turned off the TV. “Nanunuod ako e!” reklamo ni Ate Max. Nandito ako ngayon sa opisina dahil pinatawag niya ako para makausap. Dumiretso ako rito kahit na masama ang pakiramdam ko dahil sabi niya, may importante kaming paguusapan. “Pinapunta mo lang ba ako para panuorin ‘yan?” tanong ko at bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa bahagyang pagtataas ng boses ko. “I’m sorry… pagod lang ako.” “Pagod ka naman araw-araw Justin kaya hindi ‘yan sapat na dahilan para sigawan mo ako ngayon. Tell me, is there anything else I need to know other than Kim putting your whole career at risk?” Naalala kong muli ang huli naming pagkikita ni Kim bago siya lumabas ng bahay at mag-quit sa

