Chapter 75 Allison’s POV From: Savannah I just met Anthony! He really changed a lot! He’s with his grand parents and he’s much more responsible than before. I’m sorry but I think we got the wrong guy. Everything’s perfect between me and Justin – at least that’s what I thought. Nang matapos namin ang paggawa ng pelikulang “Black and White” at nakapagpromo na rin kami sa print, radyo, online, at TV, nawala sa isip ko ang mga bagay na gumugulo sa akin. Pakiramdam ko walang problema o baka iyon ang ginusto kong paniwalaan. Balak ko sanang sabihin na kay Justin ang lahat maging ang tungkol kay Xander at Anthony dahil ayoko nang magtago pa sa kanya ng kahit na ano. Doon kami nagkaproblema noon at ayaw kong maulit na naman ang nangyari rati. Pero pagkagising ko, bago pa man ako lumaba

