Chapter 14 Justin's POV "Kamusta ang pakiramdam mo?” narinig ko ang boses ni Ate Max kaya kahit hirap dumilat, pinilit ko pa rin. Ang bigat ng ulo ko at ramdam ko ang pag-ikot ng tyan ko. Una kong nakita ang mukha ni Ate dahil nakaupo siya sa tabi ko. Nakakunot ang kanyang noo at mukhang makakarinig na naman ako mula sa kanya. Kanina pa yata niya ako pinagmamasdan pero hindi niya ako ginising. Nakita ko namang nasa bahay kami kaya nakahinga ako ng maluwag sa kabila ng sama ng pakiramdam ko. “Worst,” sabi ko habang hawak-hawak ang ulo ko. Parang binibiyak ito. Inabutan niya ako ng tubig at hinayaan niyang uminom muna bago siya nagsalitang muli. “Bakit ka naman kasi uminom ng sobra? If I didn’t stop you, you would have already killed yourself with too much alcohol.” Biglang pumintig a

