"I have this urge to punch you in the face right now."
Sean looked over his shoulder to see her trailing him, with a deep frown on his face. "Bakit na naman?"
Pinandilatan niya ito. Ang galing talaga nitong umaktong clueless kahit na alam naman nito ang dahilan. Hay! "Huwag ka ngang painosente riyan! Ang sabi mo ay babalik na tayo!"
Hindi nito pinansin ang inis na tono niya kundi ay balewala itong nagpatuloy sa paglakad patungo sa bahay ilang metro ang layo sa pinagbabaan nila. "Wala akong sinabing babalik tayo, ang sinabi ko lang ay uuwi tayo."
"Well, duh! Hindi ko alam na nilipat na pala ang tirahan ko sa kabilang panig ng mundo!" Tumataas na naman ang dugo niya rito.
She heard him sigh.
Mukhang pagod ang loko! A pang of guilt struck her. Napasulyap siya sa balikat nitong may benda. Oo nga at natatakpan 'yun ng damit pero alam niyang nananakit yun. Their encounter last night was no joke. The adrenaline rush was intense. He risked his life and protected her again.
How ungrateful! Panunuya ng isang boses sa utak niya.
"This is my house," he spoke, stopping on his track, fully turning to her.
Kusa ring tumigil ang mga paa niya at parang tuod na tumitig dito.
Sean stood just few yards from the modern wooden house that's located on top of the hill they're heading to, looking like a prince waiting for the princess to come to him.
Napalunok siya. Bakit pakiramdam niya ay siya ang prinsesang hinihintay nito? At saka bakit parang ang guwapo-guwapo na naman nito sa mga mata niya? He always does that to her. Every time he looks at her, her world stops, wrecking her. Para itong isang dark magician na isinumpa siya. Did he cast a spell on her? Well, dang! She's doomed!
Yes, she's definitely---
A loud snap of fingers on her face brought her back to reality. Napaawang ang kanyang mga labi at napakurap habang tiningala ang binata na nakatayo na ngayon sa harap niya.
"Nananaginip ka na naman ng dilat," komento nito habang umiling-iling. Paano ito nakalapit sa kanya nang 'di niya namamalayan? "Let's stay here at my house for the meantime. It is much safer here,"dagdag nito bago hinawakan ang kanyang braso. "Come on---" Nangunot ang noo nito nang pumiksi siya.
Shit! Bakit ba siya umaarte nang gan'to? Hindi dapat! He knows what is best for the both of them! Kailangan niyang pagkatiwalaan ito ng buo. O baka naman ang sarili na niya ang kaduda-duda? Oo, parang siya na nga!
Hinawi niya ito sa harap niya saka pasimpleng hinimas ang brasong hinawakan nito. Tingling sensation was left there by his simple touch. Habang tumatagal ay sumisidhi na ang nagiging tama niya sa lalaking ito!
"N-naiintindihan ko na!" sambit na lamang niya saka mabilis siyang naglakad palayo rito. Mahirap na baka marinig nito ang malakas at mabilis na t***k ng puso niya. Lakad-takbo ang ginawa niya ngunit napamura nang kailangan niyang hintayin ito para buksan ang bahay.
Todo iwas ang kanyang mga mata nang makalapit ito. Kung saan-saan niya ibinabaling ang tingin. Mula sa mga malilit na d**o, sa mga puno, at sa kalangitan. She's acting like a child but dang, her heart's beating wildly inside her rib cage.
A little Deja vu!
"Ay!" tili niya nang bigla siya nitong hilahin papasok ng bahay. He then stood right before the huge door after closing it. Pinalo niya ito sa balikat. "Bakit ka ba nanghihila?"
Ngumiwi ito dahil ang may sugat na balikat ang nahampas niya. "You're acting weird. Sigurado ka bang nasa tamang pag-iisip ka na?"
Nanlaki ang mga mata niya. "What?"
Mataman siya nitong tinitigan. "You are not in shock, are you?"
Malakas siyang natawa. "Ano'ng akala mo sa'kin, weak?" Umismid siya. Inilibot ang paningin sa loob ng bahay nito. "Hmmm, typical man house. Not bad," kunwa'y komento niya kahit na hangang-hanga siya sa nakikita. The house gives off a refreshing concept. A kind of rest house you would see on the riverside, that kind of style. Maaliwalas at malinis.
Sean shrugged his shoulders, then passed by her, went somewhere in the house. Just like at the cabin. Gusto niyang sumimangot. Umupo na lang muna siya sa couch na naro'n. Hihiga na sana siya nang bumalik ito bitbit ang medical kit sa isang kamay. Napataas ang kilay niya nang ilapag nito 'yun sa lamesa bago tumabi sa kanya. Wala sa sariling napausog siya.
"What the heck are you doing?" she exclaimed with widened eyes when suddenly he took off his shirt.
He dropped the shirt beside him and faced her. "Change the bandage," he demanded. Ni hindi ito kumurap sa pagmamando.
Napatanga siya rito. Seryoso ba ito? Kadarating lang nila, ah! Hay naku!
Walang salitang binuksan niya ang nakalapag na kahon, kumuha ng panglinis ng sugat at wound patches. Pareho silang tahimik habang nililinis niya ang balat nito hanggang sa matapos. She wanted to pat her shoulders for doing a good job when she's done, though she held her breath during the whole process.
Muli na nitong naisuot ang damit nang magawa niyang magsalita. "Sean..."
"Yeah?"
"Salamat..."
"Salamat saan?"
"Sa pagligtas mo sa akin ng dalawang beses."
"Diba nagpasalamat ka na kagabi pa?"
Napakamot siya sa batok. "Alam ko pero parang hindi sapat, eh. Masyado ka nang maraming nagagawa para sa akin. And I've been dependent to you since that shootout happened. Kung hindi sa kagagahang ginawa ko ay 'di sana normal pa rin ang takbo ng buhay ko ngayon at--"
"I'm just going outside," bigla nitong putol sa litanya niya.
"Huh?" She looked up at him because he was now standing with a dark expression on his face. "Ano'ng gagawin mo sa labas?"
Namulsa ito at naglakad patungong pinto. "Magpapahangin."
"Bakit?"
Sinulyapan siya nito ngunit imbes na sagutin ang tanong niya, ay iba ang sinabi nito. "Go to sleep. Alam kong pagod ka. Paggising mo ay saka tayo mag-usap." Iyon lang at lumabas na ito.
Naiwan siyang nakatanga sa pinto. Bakit parang kakaiba naman yata ang kaseryosohan nito ngayon? Ang dami pa sana niyang gustong sabihin, eh. Unti-unti siyang nahiga. Hay, di bale na nga. Paggising ko na lang.