Chapter 10

1434 Words
“ARAY,” mahina niyang daing nang mag-inat siya ng katawan. Busangot ang mukhang tinitigan ang kanyang magulong higaan. Bukod sa napuyat siya ay hindi rin naging maganda ang naging tulog niya. Maya’t-maya ay nagigising siya dahil sa pakiramdam na may gumagapang na kung ano sa kanyang binti, braso o ilong. Wala namang silbi ang kumot dahil sa likot niyang matulog. May mga iniwang bakas tuloy sa kanyang binti. Hay, makapag-reklamo nga kay Sean. Humihikab pa rin siyang lumabas ng kanyang silid at diretsong nagtungo sa maliit na kusina. Mabuti na lamang at hindi sila sa kahoy magluluto kundi ay mayro’ng nag-iisang lutuan do’n at isang tangke ng gas. Ayos lang sa kanyang walang kuryente, basta mayro’ng tubig at gaas. Nasaan kaya ang mokong na ‘yon? naitanong niya sa isip habang iginagala ang tingin sa paligid. Sobrang tahimik ng buong bahay na parang siya lang ang tao. Nagmumog siya at naghilamos bago nagtungo sa labas. Gayun na lamang ang panggigitata niya nang mapagtantong wala ang sasakyan nito. Kinakabahang nagmasid siya sa paligid. “Sean?” tawag niya. Iniwan ba siya nito? Kailan? Bakit? Nagtungo siya sa likod-bahay sa pag-asang naro’n ang sasakyan nito at ang binata. With her heart rate picking fast, she still looked around when he was not there. ”Hoy, Maximin! Hindi magandang biro ito, ha? Umagang-umaga! Nakuu, masasaktan talaga kita…” Para siyang tanga na nagpaikoy-ikot sa loob at labas ng kabahayan at nagbabakasakaling nagtatago lang ito. But who is she fooling? Iniwan na talaga siya nito. She’s left behind in this wilderness to survive for her own self! Nahahapo siyang naupo sa bangko saka pinalis ang luhang umalpas sa kanyang mga mata. Ito ang ayaw na ayaw niyang pakiramdam. Ang iniiwan. Aywan ba niya dahil sa pag-alis nito nang walang paalam ay bumalik ang sakit ng nakaraan. Suddenly, flashes of the painful memories kept on playing in her mind. That one particular even that had hurt her the most. Those pitied look she received from Mirna and Karl. She covered her face with both of her hands, trying to keep herself from crying. “Bakit ko ba naaalala ang dalawang ugok na ‘yon?” himutok niya. She shook her head to shoo away those events in her head. She creamed when her efforts became futile. Marahas siyang tumayo at walang habas na tumakbo nang walang direksyon. Bahala na. bahala na kung mawala siya. Bahala na kung babalikan pa siya ng binata. Ah, basta. Bahala na. TAHIMIK ang buong kabahayan pagbalik ni Sean galing ng bayan. He had to meet up with an agent like him for reports. Kinailangan niyang mag-lie low dahil sa matatas na pagsiyasat ng kalaban tungkol sa kanya. He needed to be careful and cautious. Hindi pa niya sigurado kung tama ang hinala niyang may-gawa ng pamamaril sa hideout niya. Hindi na siya nag-abala pang gisingin si Ira dahil ang akala niya ang makakabalik siya agad. Hindi pala dahil inabutan na siya ng tanghali. Hindi naman niya ito makontak dahil wala itong cellphone. Hawak ng ahensya pagkatapos niyang ipahalughog ang bahay nito. “Ira?” he called out upon entering the house. nang walang sumagot ay pinakiramdaman niya ang paligid. He could not sense of danger. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagtawag dito. “Ira, tulog ka---“ Nabitin sa ere ang salita niya nang buksan ang kuwarto nito at wala ito ro’n. He quickly scanned the room. Everything including the window. Walang bakas ng pamumuwersa. Ngunit hindi siya nagpakasiguro at daling lumabas upang suriin ang sala, kusina at maging ang sariling silid. Nothing had changed. Ni walang natabinging gamit sa loob. Kinuha niya ang isang baril at tuluyang lumabas ng bahay. “Ira?” tawag niya. “Where are you?” Sean thoroughly scanned the whole area but got no sign of her. Ibinaba niya ang baril saka tumingin sa pagitan ng mga matatayog na puno. “Nasaan ka bang babae ka? Nawala lang ako saglit ay---“ He stopped himself from speaking when a figure slowly emerged from the tall trees. Naningkit ang kanyang mga mata ngunit nakahinga na nang maluwag nang mapag-sino ang pigura. Questions bubbled in his mind upon seeing her closely. Magulo ang buhok, mugto ang mga mata, at maputik ang damit at katawan nito habang masama ang tingin sa kanya. “What the hell happened to you?” he asked, looking down on her. And guess what? Her answer was one hell of a hard punch in the gut! “REALLY?” Ira held her chin, strongly meeting Sean’s baffled face. Sapo na naman nito ang pangang binigwasan niya. Ang bahaging ‘yon din yata ang sinuntok niya kagabi. Napangiwi ito at napamura. “Ano na namang nagawa ko at bigla ka na namang nanununtok?” Gumalaw ang panga niya. “Umalis ka nang walang paalam!” bintang niya. “Pero saglit lang ‘yon, ah? I just had to meet with someone.” Pumiksi siya nang tangkain nitong tanggalin ang tuyong dahon na dumikit sa mukha niya. “Wala akong pakialam! Nang-iwan ka pa rin! My gosh!” Gigil na pinalis ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa kanyang mga pisngi. Dinuro niya ang dibdib nito. “Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala! Kung may nangyari na bang masama sa’yo o kung iniwan mo na ba talaga ako at pinabayaan!” Dinutdot niya pa ang dibdin nito. “Alam mo, nakakainis ka na talaga ha! Look at me!” Iminuwestra niya ang sarili. “Nagmukha akong gaga sa kakahanap sa’yong peste ka!" Nawalan ito ng imik at puno ng pagtatakang tinitigan siya. Wala na siyang pakialam kung ano ang iisipin nito sa outburst niya. Kung nagiging iyakin na siya sa mga paningin nito. Or if he is thinking that she’s being childish and all that. Ang mahalaga sa kanya ay ang mailabas niya ang saloobin dahil totoong nag-alala siya at hinanap ito. Kaya nga gan’to ang itsura niya dahil nadapa sa nakausling ugat ng malaking puno. Bumukas-sara ang mga bibig nito at mukhang hindi malaman ang gagawin sa pag-iyak niya at sa nakikitang itsura niya. ‘Well…” salita nito pagkaraan ng ilang sandali. Tumikhim pa ito at bahagyang tumingin sa malayo bago muling itinuon ang pansin sa kanya. “I’m sorry?” At mukhang hindi pa ito sigurado kung bakit humihingi ng sorry. He seems to be so clueless on what he did. Lalo lang siyang nainis. “Ganyan ka ba talaga?” tanong niya. “Ah, hindi ko maintindihan?” Now, he’s playing dumb. “Hindi ka marunong humingi ng sorry sa tamang pamamaraan?” He looked at her in the eyes for a moment before releasing a deep sigh. Nagulat siya nang hilahin siya nito at niyakap. Just like last night, her mind stated. “Okay. Stop crying now, okay? Hindi ko alam kung bakit ka nagiging iyakin pero humihingi na ako ng tawad. Hindi ko na ipinaalam pa sa’yo dahil wala naman talaga akong balak---Hey, nagpapaliwanag pa ako,” reklamo nito nang tangkain niyang kumawala. Hindi niya kasi alam kung nang-iinis lang ito, eh. “I don’t want you to be dragged into this mess, okay? This is my battle and I have to fight it alone. I am just being honest with you. Oo nga at may kasalanan ka sa’kin pero hindi ko gugustuhing mapahamak ka.” Ipinatong nito ang baba sa tuktok ng kanyang ulo. “Hahayaan kitang suntukin, sipain o murahin ako ngayon. But when everything’s okay and all is well, saka ako maniningil,” matalinhagang litanya nito na may kalakip na pangako. “I won’t let you get away with what you did, Ira. Tandaan mo ‘yan.” Pinakawalan na siya nito pagkatapos magsalita at walang pakundangang naghubad ng pang-itaas na damit. Tulala niyang tinaggap ‘yon nang iabot sa kanya. “Hala, sige. Maligo ka na at maglaba,” bigla nitong utos. Pinilit niya ang sariling huwag tumingin sa katawan nito at pinagbuhol ang mga kilay. “Akala ko ba ay hindi ka muna maniningil?” His wicked smile once again appeared across his lips. “Being my maid isn’t the punishment, Ira dear. Wala pa ‘yon sa kalingkingan ng paniningil ko sa’yo.” His smile widened. “Kumbaga ay hindi pa tayo nagsisimula. Kaya kung ako sa’yo ay ihahanda ko ang sarili ko.” Napalunok siya sa intensidad ng mga titig nito. “W-whatever,” she said, stammering. “D-diyan ka na nga!” Nagmadali na siyang lumayo rito. “Malandi!” bulong niya bago pumasok ng bahay upang kumuha ng damit. Ah, she wish that her heart will be able to survive the day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD