"Loko-loko ka talaga. Pati mga anak mo, pinagtritripan mo." saad ko kay Miggy. "Biro lang, masyado kasi kayong seryoso, 'di ako sanay." natatawang saad nito. "Pero yung totoo, sobrang kulit din ng lima, kay Thirdy pa nga lang mauubos na yata bólból ko. Ewan ko ba kung saan nagmana ang anak kong yun." "Seryoso ka pa sa lagay na yan, ha?" saad ni Kyle. "Nagtanong ka pang hayop ka." singit ni Justine. "Sa kagwapuhan oo pero sa ugali malayo. Napakatino ko kaya." "Change topic tayo, naglolokohan na tayo rito." natawa ako sa sinabi ni Adrianne. "Inuman na lang tayo, wag na tayo magkwentuhan." singit na man ni Jeric. Tinawanan lamang sila ni Miggy. Nilapag nito ang wala ng laman na bote sa ibabaw ng lamesa at kumuha ng bago, tinungga nito ang laman nun. "Nakakamis yung lasa ng alak." saa

