" Kumusta. " Unang salita palang ay agad na pumatak ang luha ko sa pisnge na agad ko ring pinunasan. Dahan-dahan akong lumuhod sa damuhan. Isa-isa kong sinindihan ang dalang kandila.I was with Kevin but I let him stay inside his car. Nais kong makausap at ilabas ang saloobin ko sa mga magulang ko na walang ibang taong makakarinig. " Miss ko na kayo. Sobra." Muli ay naguunahan na naman ang mga luha ko.Kay bilis nilang nakarating sa ilalim ng aking baba. " Sa susunod na punta ko dadalhin ko na po ang apo po ninyong si Kier. Gusto ko lang na ma solo ko ang oras ninyong dalawa. Sana po mama, papa, bisitahin niyo naman ako minsan sa panaginip ko at nang kahit sa panaginip ay mayakap ko po kayo at nang makahingi po ako ng tawad sa napakalaking kasalanan ko po sa inyong dalawa. Patawarin niyo po

