Bumaba ito ng sasakyan. Umikot ito sa kabilang side. Pinagbuksan niya ko ng pintuan. Ang akala ko'y alalayan ako ni Kevin ngunit bigla niya kong binuhat ng walang kahirap-hirap na para bang bagong kasal. He locked his eyes with mine. " Kailangan ba to? " I asked in my lower voice. " Yong food kailangan muna alagaan ng mabuti bago kainin. " Pinaliitan ko siya ng mga mata, kinintalan lamang niya ako ng halik sa labi. We locked each other's eyes again. Biglang tumahimik yong paligid. Yong mga atensyon namin ay nakatuon lamang sa isa't-isa. Kay init nang buga ng kanyang hininga na tumatama sa aking mukha. Yong puso ko nagwawala na. Napakapit ang mga braso ko sa likod ng kanyang leeg. Dahan-dahan itong humakbang papasok ng kanyang mansion habang karga-karga niya ko sa dalawa niyang braso.

